Chapter 8 (Heartbeat)

683 27 0
                                    

CHAPTER 8 [Heartbeat]

Zeruz POV.

"Ahm.. Manang Lorei, nasa'n si Kuya?" tanong ko kay Manang Lorei na papuntang kusina.

"Ahh.. di ko po alam eh.. magpapahangin lang daw po siya sabi niya."

"Ahh sige po." nakangiting sabi ko sabay punta sa labas ng bahay kung saan makikita ang napakalawak na swimming pool.

Naupo ako sa malapit na bench at pinagmasdan ang buong paligid.

Habang nagmumuni muni ay may narinig akong ingay ng pamilyar na boses ng babae at ang ingay ng gulong ng maleta. Napatayo ako.

O_O

"Zeruzzzzzz!!" napatakbo siya sabay yakap sa'kin. Napangiti ako.

Kumalas naman kami.."Teka.. bakit di ka man lang nagtext or tumawag para nasundo kita sa Airport?" tanong ko.

"Ano ka ba Couz?! Parang di mo naman ako kilala.. I like surprises!" aniya.

She's Shantal Dereez Garcia, pinsan namin ni Kuya.. Fashionista 'yan.. Nag aaral siya sa U.S and nagmo-model siya. Ewan ko kung bakit nandito siya.. To have fun or something?

"Where's Zayron? I didn't see him yet." tanong niya.

"I don't know, sabi ni Manang Lorei kanina umalis daw at magpapahangin." sabi ko. She nodded.

"Hmm.. Nagugutom ako, I want pizza and some milk tea." aniya.

"Ahh.. gan'un ba? Okay.. bibili ako." sabi ko.Ngumiti naman siya.

"You're the best Couz!"

"Huwag mo na akong bolahin."

"No.. di kita binobola.. I'm just stating the fact. Okay.. buy pizza and milk tea now and I'll wait for you here to come back." tumango naman ako.

*MILK TEA SHOP*

Nakabili na ako ng pizza at ngayun ay bibili na lang ako ng milk tea. Mag si-6:00 na at 5:30 ako umalis kanina.

"Thank 'you for coming, Sir." sabi n'ung babaeng nagbigay sa'kin n'ung milk tea. Tinanguan ko lang siya at lumakad na papalabas ng pinto.

Nagulat ako ng may makabangga akong babae nang makalabas ako ng milk tea shop.

*Bogsshh!!

Agad kong inalalayan 'yung babae sa pagtayo.

"Okay ka lang ba Miss?" tanong ko. Nagulat ako nang mag angat siya ng tingin.

My Goddess Princess (Book 1)Where stories live. Discover now