Chapter 38 (Lola Estelita)

474 18 0
                                    

CHAPTER 38 [Lola Estelita] :

Pearl's POV.

"Uyy Hanz, salamat sa paghatid sakin dito sa bahay tsaka sa pagpapatuloy mo sakin sa condo mo kagabi." nakangiting pagpapasalamat ko kay Hanz, nang maihatid niya ako dito sa tapat ng bahay namin.

"Tsk! Malakas ka sakin eh, anytime, dito lang ako. Tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong ko." aniya na kumindat pa sakin. Edi wow sa kaniya.. edi siya na pogi.. Wews!

-_-

Pero hihihi, sa totoo lang.. pogi nga talaga niya hahahahaha.

^_^

^_<

"Geh mauna ka na. Ingat ka." ani ko. Natawa pa ako nang sumaludo pa siya saakin bago siya pumasok sa loob ng kotse niya. Napailing na lang ako. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay namin.

Shocks! Di ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanila, kung bakit 'di ako nakauwi kagabi. Aish! Paktay ako nito!

>_<

"Andito na po ako." bungad ko kila Mama at Papa na nag aalmusal kasama mga kaibigan kong mga nakabihis na ng uniform nila.

O_O -ganiyan mga reaksyon nila nang makita nila ako.

Pilit na ngiti lang ang isinukli ko sa kanila at dahang dahang inangat ang isa kong kamay para mag- peace sign.

(^_^)V

"Heheheheh.. g-good morning?"

"Walang good sa morning! Bakit di ka umuwi kagabi ha?! At di ka din namin nakita sa resto kagabi! Saan ka nagpunta? Bakit di mo sinasagot mga tawag namin? Nakipagtanan ka ba? Ha? Sagutin mo ako! Ano nakipagtanan ka ba kay--"

"Hoy Porsha! Dinaig mo pa si Tita at Tito sa mga pinagsasabi mo kay Pearl ah.. role nila yan eh, huwag ka mang aagaw." sabat naman bigla ni Macy.

"Ayy sorry naman heheh.. 'geh kayu na po Tita at Tito. Hala sige at pagsabihan niyo 'yang anak niyo." ani Porsha na nahimik naman sa isang tabi at nagpatuloy sa pagkain ng kinakain niya.

"Ma, Pa.. sorry po." sabi ko na napayuko na lang.

"Maupo ka nga dito anak. Kumain ka muna. Papasok ka pa ba sa school niyo?" nag aalalang tanong ni Mama.

"Opo." naupo na lang ako sa may upuan at kumuha na rin ng makakakain ko.

Aish! Takte! Paano ako makakapagpaliwanag nito!?

>_<








****

Nasa school na kami ngayun at naglalakad na kami papunta ng classroom. Di ko pa rin makalimutan 'yung nangyari kagabi saakin. Kasalanan 'to ng bwisit na Zayron na 'yun eh! Ano ba kasing nagustuhan ko sa lalaking 'yon? Di naman siya kagusto gusto ah! Oo gwapo siya pero.. ang sungit sungit ng lalaking 'yun! Ang tipo ko sa lalaki 'yung mabait! Aish.. Putek na puso 'toh! Di nga lang pagkagusto nararamdaman ko sa lalaking 'yun eh! Basta alam niyo na! Huwag na kayu magtanong! Wait.. 'di nga pala kayu nagtatanong eh 'noh? Basta magbasa na lang kayu readers.. okay?

^_^

At ito pa ha. Eh diba nga lagi ko sinusungitan 'yung lalaking 'yon dahil sa nakakainis talaga siya, inis na inis nga ako d'un sa lalaking 'yun diba? Bakit ganun? Di ko alam kung bakit biglang nagising na lang ako na.. may nararamdaman na akong kakaiba sa kaniya?

My Goddess Princess (Book 1)Where stories live. Discover now