Chapter 53 (Meet the Cousins)

451 10 0
                                    

CHAPTER 53 [Meet the Cousins]:

Someone's POV.

"Hey! Mga pinsan! Arat sa Bar." nakangiting pag-anyaya ko sa mga pinsan kong may kani-kaniyang ginagawa.

Si Fort na may ginagawa sa laptop. Si Rech na nagbabasa ng mga books na nakalapag sa table at nakaupo sa sahig. Si Mariel na natatawa pa habang nagtitipa sa cellphone at si Gravint na naglalaro lang sa ps4 niya.

"..."

Walang sumagot isa man sa kanila.

"Hey! Ayaw niyo ba?" inis na tanong ko na nakapameywang na.

"Busy ako Hersh."

"I'm busy."

"Busy eh."

"Busy."

>_<

Napairap ako. Napaka- KJ talaga ng mga pinsan kong 'toh. Pero minsan sumasama naman sila saakin, kahit na 8 years old pa lang si Gravint at Mariel, 10 years old pa lang si Rech at kami ni Fort na 17 years old pa lang. Mas matanda nga lang siya saakin ng ilang buwan.

Kahit na ganiyan ang mga edad namin. Nakakapasok kami sa loob ng bar. You know.. mayayaman kaming mga Prezalde kaya nagagawa namin lahat ng gusto namin.

"Fine.. argh!" nilisan ko na ang mansion na 'yun tsaka sumakay ng kotse at nagdrive papuntang bar.

=_=

Ang mansion na 'yun ay ang mansion kung saan nakatira ang mga magulang ng pinsan naming si Yandell na siyang pinaka-matanda saaming magpipinsan. Sumunod ay si Fort, ako at ang sumunod ay ang kapatid ni Yandell na pinsan ko na matagal nang nawawala. Ang alam ko ay mas matanda ako sa kaniya ng isang taon dahil 16 years old na ang pinsan kong 'yun kung talagang nabubuhay pa siya ngayon..

Magkasama din kaming lumaki ng pinsan kong 'yun. Kami nila Fort at Yandell. Samantalang sanggol pa lang ng mga araw na 'yun sila Mariel, Rech at Gravint.

Kaya kami nasa mansion na 'yun para makibalita sa mga nangyayari. Nand'un din nagstay ang mga parents naming magpipinsan dahil sa balitang buhay pa ang mga magulang ng mga pinsan kong si Yanabeliza at Yandell. Kaming mga magkakapamilya pa lang ang nakakaalam n'un at 'di pa umaabot sa publiko dahil gusto naming manatili itong sagrado.

'Di pa namin natatagpuan sila Tita Beliztine at Tito Pierre kaya ang alam pa lang namin ay buhay sila. At tumutuloy sila ngayun sa isang bahay sa tabi ng isang isla.

"Hershey!" pagkapasok ko ng bar ay sumalubong agad saakin ang mga kaibigan ko.

"Nagpa-blonde ka ah." hinimas pa ni Klerra ang buhok ko.

"Yeah. Kagahapon lang." naupo kaagad ako sa bakanteng upuan katabi niya.

"Shot ka muna." nag-abot naman si Danelle saakin ng baso na may lamang Black label.

"Thanks." wika ko sabay lagok.

"'Bat 'di mo yata kasama mga pinsan mo?" tanong pa ni Selene.

My Goddess Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon