Chapter 25 (Garcia Mansion)

545 18 0
                                    

CHAPTER 25 [Garcia Mansion] :













Nagkatitigan lamang kami sa mga mata nang sabihin niya iyon. Pero agad akong umiwas at tumingin ulit sa kaniya na may halong inis.

"Ano namang pag uu--" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin at sinama ako patakbo palayo sa Canteen. Gulat ko siyang tinignan. Sino namang di magugulat kung may isang taong bigla bigla na lang manghihila sa'yu palayo?

"Hoy! Saan mo ba ko dadalhin?!" nagtitiim bagang tanong ko. Tumingin ako sa paligid nakita kong nandito na kami agad sa parking lot ng school. Nanlaki ang mata ko nang buhatin niya ako at ipasok sa loob ng kotse.

O_O

>_<

Buwisit talaga ang lalaking 'to eh noh?! Bigla bigla na lang gumagawa ng mga bagay na 'di mo alam na kaya niyang gawin.

"Ano ba?! Saan mo ba talaga ako dadalhin?!!" galit na tanong ko. Tumingin naman siya saakin nang makapasok siya sa loob ng kotse.

"Magpapractice tayo ngayun sa Singing Contest. Pupunta tayo sa Mansion namin." walang emosyong sagot niya. "Put your seatbelt." paalala niya pero tinignan ko lang siya ng masama.

"What the hell! I said put your seatbelt." ulit niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Dahil lang sa bagay na iyon hihilahin niya na lang ako basta. Buwisit!

>:O

"Bakit kailangang ngayun pa?! May klase tayu ngayun at may trabaho pa ako mamaya!" nagngangalit na ang mga ngiping tanong ko. Nakita kong umirap lang siya. Aba! Siya pa ang may ganang mang irap ah buwisit talaga!

"Tsk! I dont care. Put your seatbelt." aniya na 'di ko pinansin at akmang ibubukas na ang pintuan ng kotse niya at lalabas. Natigilan ako nang di ko 'yun mabuksan. Tumingin ako ng matalim sa kaniya.

"Buksan mo! Aalis na ako." wika ko. Napa- cross arms naman siya at tumingin lang sa mga mata ko.

"Bakit ba ang tindi ng galit mo saakin?" seryosong tanong niya. Kinunutan ko lang siya ng noo. Teka.. bakit nga ba kasi ako laging nagagalit sa kaniya? Aish! Di ko rin alam.

"Ibaba mo na lang ako dito. May klase at trabaho pa ako mamaya! Ano ba?!" pilit ko naman binubuksan yung pintuan pero ayaw talaga. Nakakabuwisit! Konti na lang talaga at ipapa- tulfo ko na ang lalaking ito. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso ko at hinarap sa kaniya. Natigilan ako. Ang lapit niya masyado sh*t!

"Tell me now, Pearl. Why you hate me so bad?" wika niya. Dahil d'un naamoy ko na naman ang mabango at mainit niyang hininga. Sana all diba mabango hininga. Kainggit. Inirapan ko lang siya at tinulak, pero masyado siyang malakas kaya 'di pa rin ako nakakawala sa kaniya.

"Tell me. Do you... like me?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Aba! Siraulo ba siya! Ako magkakagusto sa kaniya? Sino niloko niya? Ul*l siya!

"Ano ba? Wala akong gusto sa'yu! Never Ever! Kaya kung pwede ba palabasin mo na ako. Ayokong makita 'yang pagmumukha mo at ayokong makasama ka! Di ako sasama sa'yu!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Iyan! Amuyin mo ang mabaho kong hininga hahaaha. Tignan natin kung di mo pa ako palabasin sa pesteng kotse mo. Tinanggal naman niya ang pagkakahawak niya sa magkabilaan kong braso.

My Goddess Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon