Chapter 29

2.3K 53 2
                                    

Savannah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Savannah's POV

"Ava" napalingon ako ng may tumawag sa akin

"oh , Ralph" nagpalinga-linga muna ako baka kasi nandiyan si Rayleigh eh "bakit ?"

"Pwede ba kitang makausap ?" tanong niya , kaya tumango ako .. pumunta kami sa may balcony .. humarap siya sa akin at sumandal sa railings

"Be careful always , kung maaari .. palagi kang dumikit kay Ford" saad niya , nangunot naman ang noo ko

"H..huh ? what do you mean ?"

"kahit anong gawin ko alam kong matatalo ako sa kanya , kaya ito na lang ang tanging magagawa ko , sige una na ako , nandyan na si Ford" saad niya , anong matatalo siya ? napatingin ako kay Rayleigh na nakapamulsa at malamig ang tingin sa akin

"Let's go" he said , aalis na sana siya ng pinigilan ko siya , baka kasi ano na naman ang nasa isip niya

"Kinausap lang ako ni Ralph , at binalaan na dapat akong mag-ingat" saad ko , lumingon siya sa akin .. "Hindi ko nga siya maiintindihan eh" dugtong ko at yumuko

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napa-angat ako ng ulo

"Galit ka pa ba ?" tanong ko sa kanya

"Hindi na" sagot niya at ginulo ang buhok ko , paglabas namin ay agad na kaming pumasok sa limo ..

"Hindi mo talagang mapigilan ang sarili mo na kausapin siya" napalingon ako sa dahil sa sinabi niya , nakapikit lang siya habang hawak ang kamay ko

"Magagalit ka ba kong sasabihin kong Oo ? Kaibigan ko kasi siya at pinsan mo , hindi ko alam kong ano ang issue niyong dalawa sa isa't-isa , pero hindi ba pwedeng magkasundo kayo ?" litanya ko , he opened his eyes and look at me

"I don't know" he simply answered , pinikit ulit niya ang kanyang mata at ipinilig niya ang ulo ko sa balikat niya "rest first , I'll wake you up if were there"

Napamulat ako ng mata dahil may tumapik sa akin

"Were here" saad niya , kinusot ko muna yung mata ko at bumaba , as usual ganun pa rin , pero may isang babae ang nakaagaw ng aking pansin , pero nung tinitigan ko siya bigla na lang siyang umalis , sino yun ?

"Are you okay ?" I came back to my senses ng mag tanong siya sa akin , kaya tinanguan ko na lang siya

"Savvy !!!" napalingon ako sa tumawag ganun rin si Rayleigh , nakita ko si Nixy na tumatakbo papunta sa gawi namin , sa likod naman niya ay nakasunod si Minjun , teka ba't sila magkasama ? napailing na lang ako , baka nqgkasabay lang sila ng dating he hehehe

"Sabay na tayo" saad niya ng makalapit na sa amin

"Himala at hindi kayo nagbabanghayan ngayon ah , may nangyari bang hindi ko alam ?" tanong ko , sakto naman ang Pagdating ni Minjun , bigla siyang umiwas at namula ang pisngi

"W..wala lang" sagot niya , hmmm ... I smell something fishy between them , nagsimula na ulit kaming maglakad

"hmmm , okay .. nga pala .. tumawag yung kapatid mo sa akin" bigla siyang napahinto sa paglalakad

"m....may sinabi ba siya sayo ?" kabadong tanong niya

"meron"

"A..Ano ?"

"He just told me na Nandito na sila sa Pinas , pinuntahan daw niya ako sa bahay pero wala ako dun" saad ko , bigla naman siyang nakahinga ng maluwag sa sinagot ko

"Wala na ba siyang sinabi sayo , bukod dun ?"

"Wala , bakit ? ano ba ang sasabihin niya ?"

"A..ah wa...wala hahaha tara na naiwan na nila tayo" she said at hinila ako ...

Nandito kami sa labas ng gate kasama sila , may bibilhin kasi kami at we decided na mag commute na lang , gusto pa ngang sumama yung mga bodyguards ni Rayleigh eh kaso pinigilan niya , sinuot niya ang kanyang sumbrero , pero nung tatawid na ako , bigla na lang may dumaang rumaragasang sasakyan , ang bilis ng pagpapatakbo nito na para bang lumilipad ito , buti na lang at nahila agad ako ni Rayleigh palapit sa kanya , kaya mukha tuloy kaming magkayakap ngayon ..

"Magpapakamatay ka ba ?!" singhal ni Rayleigh

"Sav , are you okay ? sino ba yun ? bakit bigla na lang yung lumitaw kung kailan tatawid ka na ?"

"Nakuha niyo ba ang number ng sasakyan ?"

"Hindi Dude , masyadong mabilis" 

"Okay lang ako , nailigtas naman ako ni Rayleigh eh" sabi ko ng nagsidatingan ang mga bodyguards pati na ang school guard nakiusyoso rin eh.

Someone's POV

Sige lang Savannah , sulitin mo lang na palagi mo siyang kasama dahil baka bukas wala ka na ... Agad akong umalis sa mga nqgkukumpulan ng tumingin siya sa akin .

Nandito ako ngayon sa kotse , at mula dito ay tanaw na tanaw ko sila , agad kong binuhay ang makina ng kotse ko at pinaharurot ito papunta sa gawi nila , malapit ko na sana siyang masagasaan ng bigla siyang hilain ni Rayleigh ..

"Aaarrggghhhh !!!!" napahampas ako sa manibela dahil sa inis , bakit ba niya iniligtas ang babaing yun ?!

"Aaghhhh !!! sisiguraduhin kong hindi ka na makakaligtas sa susunod !!!"

at pinaharurot ko ulit ang kotse ko paalis

Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon