Chapter 39

2.2K 53 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Author's POV

Naka-upo sa harapan ng salamin ang isang babae habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok

"Tumigil ka na Marga , pakiusap .. marami ka ng nasaktan" napatigil siya sa pagsusuklay at ngumiti ng malawak

"Wala akong pakialam , pwede ba !! wag ka ngang malikot diyan !" bulyaw niya sa kanyang sarili ...

"Wala siyang kasalanan sa atin Marga !" napatayo siya at napahawak sa kanyang ulo

"Tumigil ka Margaux ano ba !!" sigaw niya ulit at sinasabunutan ang kanyang sarili

"Katawan ko to Marga !! ako dapat ang magdedecision !! umalis ka !"

"Palaban ka na ngayon ?! naging palaban ka na dahil sa kanya ?!!" 

Nakikipagtalo siya sa kanyang sarili , pinagsasampal at sinabunutan pa ang sarili. Napatigil siya ng may kumatok , gulong-gulo na ang kanyang buhok at pulang-pula na ang pisngi niya .. may kalmot rin siya sa kanyang balikat at braso.

"Ano ?!" sigaw niya sa kumatok ng mabuksan niya ito

"Ka...kasi , a..ano"

*PAK*

sinampal niya ang kanyang katulong kaya tumabingi ang kanyang mukha , napahawak siya sa kanyang pisngi at umiyak

"Ayusin mo yang pananalita mo !! ayoko yung tatanga-tanga !!!" sasampalin pa sana niya ulit ang kanyang katulong ng may tumawag sa kanya

"Boss ! boss !" tawag ng kanyang tauhan habang tumatakbo

"Kailangan na po nating umalis dito !! may mga pulis sa labas ng bahay !!" saad nito , bigla naman siyang naalarma .. tinignan niya ang kanyang katulong at binunot ang baril na nasa bewang ng tauhan niya at agad binaril sa ulo ang katulong

"Tara na !!" saad niya at tumakbo ..

Tumakbo sila at dumaan sa likod ng bahay , sasakay na sana siya ng biglang

"Freeze !"

"Itaas mo ang mga kamay mo miss Deux" dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at humarap sa mga pulis sabay ngiti .. lumapit ang isang pulis sa kanya para pupysasan sana siya ng biglang

*Bang
*Bang
*Bang

Binaril niya ang mga pulis na walang kahirap-hirap

"Sa tingin niyo , mahuli niyo ako ng ganun ka dali ? hahahahaha" itinago niya ang kanyang baril at sumakay na sa kanyang kotse at pinaharurot ito , binangga niya ang gate dahilan para masira ito at makalabas siya

Margaux Hallie Deux ang kanyang pangalan , nakuha niya ang Deux dahil ang taong nagligtas at umampon sa kanya na si Evangeline Deux . Bago siya bumalik sa mansion ay nakasaad na ang matagal ng plano ni Evangeline , yun ay ang kukunin ang kung ano para sa anak. Si Evangeline ay Mabait , mapagmahal , lahat ng katangian ay nasa kanya , kung kayat nahulog ang loob ni Javier sa kanya ang panganay na kapatid ni Janvier. Ikinasal sila at masaya naman ang kanilang pagsasamang dalawa , lalo na nung dumating si Ralph sa buhay nila. Ngunit sa di inaasahang trahedya , naaksidente si Javier dahil iniligtas nito ang kanyang pamangkin na si Rayleigh mula sa rumaragasang sasakyan kasi , pupunta sana si Rayleigh sa Parke upang puntahan at hintayin ang kaibigan niyang si Anna , sa mga araw na ito .. wala na si Anna sa Pilipinas. Lubos ang pagkalungkot ni Evangeline ng binawian ng buhay si Javier , araw-araw siyang umiiyak , ni hindi kumakain , napabayaan na rin niya si Ralph.

"Kasalanan mo lahat ng ito !! kung nakinig ka lang sana , buhay pa sana ang Daddy ko !!!" sigaw ni Ralph kay Rayleigh , tinulak niya ito kaya natumba si Rayleigh sa sahig

"Ralph , Rayleigh !!" sigaw ni Janvier at linapitan ang dalawa

"Ralph bakit mo tinulak ang pinsan mo ?" tanong nito sa pamangkin

"Kasalanan niya Tito !!! Siya ang may kasalanan ng lahat nang ito !! galit na galit ako sayo !!!" sigaw niya ulit habang umiiyak , isang taon lang ang tanda ni Ralph kay Rayleigh.

"Im sorry" saad ni Rayleigh

"Sorry ?! bakit ?! maibabalik ba ng sorry mo ang daddy ko ?!! hindi !!! hinding-hindi kita mapapatawad !!!" sigaw niya at tumakbo

Simula sa araw na iyon naging magkagalit na ang dalawa , Hindi na sila magkakasundo gaya ng dati , ang lahat ay nagbago simula nung nawala si Javier. Umalis sila Evangeline kasama ang anak sa Pilipinas at nanirahan sa New York.

Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)Where stories live. Discover now