Chapter 43

2.1K 43 1
                                    

Author's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Author's POV

Lahat ay nagulat sa pangyayari , di nila inaasahan na mangyayari iyon , oo nga't gusto nilang makulong si Marga pero hindi nila inaasahan na doon magtatapos ang buhay niya , may panahon pa siya para baguhin ang sarili niya , upang magsimulang muli ..

"nakakalungkot isipin na nangyari ito sa kanya" usal ni Nixy

"Hindi ko gustong mangyari ito sa kanya , hindi pagpapakamatay ang solusyon sa problema" saad naman ni Savannah

"Wala na tayong magawa , ginusto niya ito" wika ni Minjun at umakbay kay Nixy "Alis na tayo , dadalhin na rin sa morgue ang mga labi niya" dugtong pa niya ... nagsitanguan naman sila at sumunod kay Minjun

Tapos na ang laban nila kay Marga , isa na lang at yun ay si Evangeline

"Anak , please listen to me" pilit niyang hawakan ang anak pero umiiwas lang ito mula sa kanya

"Ma ! bakit ka tumakas ?! mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon eh !" inis na saad ni Ralph , at kausap niya ngayon ang kanyang Ina "tatawag ako ng pulis" dugtong niya .. magda-dial na sana siya ng magsalita ang Ina niya

"Isusumbong mo ako ?! pagkatapos ng lahat na ginawa ko ?! I gave you a better future !! tapos yan lang ang isusukli mo sa akin ?! how dare you !! akala ko maaasahan kita !!" singhal ni Evangeline

"you did it for yourself ma , is this what you call a better future ? na makulong ang Ina ko dahil sa pagnana---PAKK" tumabingi ang mukha ni Ralph dahil sa lakas ng sampal ng kanyang Ina

"I...I'm so..sorry , hindi k...ko sinadya , nabigla lang ako" saad ni Evangeline , hahawakan na niya sana si Ralph pero umiwas ulit ito ... tinignan niya lang ang Ina niya saka siya umalis at iniwan si Evangeline na naglulupasay sa iyak

"Ra...Ralph ?" bulalas ni Savannah ng makita niya si Ralph sa labas ng mansion , napalingon si Ralph sa kanya at ngumiti ng pilit

"wag kayong mag-aalala aalis rin ako , isasauli ko lang ang mga 'to" saad niya , tinutukoy niya ang mga bagahe na naglalaman ng kanyang mga gamit , tatalikod na sana siya ng may nagsalita

"you are welcome here anytime" napalingon si Savannah sa kanya na may halong gulat , di niya kasi inaasahan ang sinabi ni Rayleigh , napalingon rin si Ralph sa kanya

"Hindi na" sagot nito

"And , that things is yours .. ba't mo isasauli ? I admit naiinis pa rin ako kapag nakikita kita but whatever happened your still part of the family , you are still my cousin , my hyung" saad ni Rayleigh "hindi ka na aalis , stay here" dugtong pa niya saka pumasok ulit , nagkatinginan naman sina Savannah at Ralph at nagkibit balikat

"halika na sa loob" aya ni Savannah at tutulungan na niya sana si Ralph na magbitbit sa mga bagahe nito ng may naunang kumuha dito , ng tignan niya ay si Rayleigh pala ... napangiti siya ng palihim habang minamasdan silang dalawa , nasa hulihan kasi siya at sinadya niya talagang magpahuli sa kanila

'Sana tuluyan na silang magkakasundo' saad niya sa kanyang isipan at tumakbo siya para sabayan silang dalawa

Akala nila , tapos na .. na wala ng manggugulo sa kanila pero isang akala lang pala yun , dahil naghahanda lang pala ang kalaban para harapin ulit sila.

"Hindi ako papayag na matalo nila ako ! Kinuha nila lahat sa akin pati na ang anak ko kinuha rin nila !! magbabayad silang lahat !" galit na sigaw niya sa loob ng silid "Magbabayad kayong lahat !!!" muli niyang sigaw at binalibag lahat ng gamit na mahahawakan niya ...

Lumipas pa ang dalawang linggo , nagkamabutihan na din ang dalawang mag pinsan pero hindi oa rin maiiwasan na may gulo pagitan nila .. bumubisita rin sina Bianca , Helen at Helga sa kanila .. maayos na ang lahat , masaya na ulit silang lahat .. hanggang sa , isang pangyayari ang di nila inaasahan na mangyayari ulit.

"ANO ?! NASAAN SI SAVANNAH ?! SI RAYLEIGH ?!!" isang sigaw ang umalingawngaw sa apat na sulok ng mansion .. napayuko ang gwardya na syang nagbabantay kay Savannah , napatayo na rin ang mga magulang ni Savannah dahil sa dala nitong balita .. nqgpulong-pulong kasi sila para sa nalalapit na kasal nina Rayleigh at Savannah ... pero , ito na naman , isang gulo na naman .

"Hinabol ni Master Rayleigh ang dumukot kay Lady Savannah" sagot nito , napa-atras siya dahil sa gulat ng may nabasag ng kung ano , pag-angat niya sa kanyang mukha , nakita niya si Victoria na kakalabas lang mula sa kusina at tila natulala ... sa kanya pala nanggaling ang ingay sa nabasag na pitcher at baso , dahil nagkalat sa sahig ang bubug at tinimpla niyang juice

"W--what happened to my son ?" utal-utal niyang tanong habang papalapit sa kanila , bawat hakbang niya ay tila nagpipigil siya ng hininga ...

"Victoria" tanging sambit ni Derek , habang napasalampak naman sa upuan si Lizette habang ang mga kamay niya ay nakatakip sa kanyang mukha at napahilamos

"Bakit ba 'to palaging nangyayari sa anak ko ? ano bang nagawa kong kasalanan at ang anak ko ang nagdusa ?" tanong niya habang pinipigilan ang paghikbi niya , pero kahit anong pigil nito ay kusa talaga itong bumuhos mula sa kanyang mga maliliit na mata

Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)Where stories live. Discover now