Chapter 30

2.4K 52 0
                                    

Ralph's POV

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Ralph's POV

Biglang uminit ang ulo ko nang malaman ko na muntik ng masagasaan si Ava ng rumaragasang sasakyan , at Alam ko kung sino ang may pakana nito , I saw here walking in the hallway kaya agad ko siyang hinablot at hinila papunta sa likod ng paaralan

"Ano ba !!" marahas ko siyang binitawan at pinukulan ng matatalim na titig

"What ?!" singhal niya , bigla siyang nag smirk at humalukipkip "hmm , I guess alam mo na ang nangyari sa MAHAL mo" dugtong niya

"Binabalaan kita , wag na wag kang magkakamaling saktan si Savannah , dahil ako ang makakalaban mo" mariing turan ko sa kanya , aalis na sana ako ng magsalita ulit siya

"Sa tingin mo natatakot ako sayo ? kung nakipagtulungan ka sana sa akin , hindi yan mangyayari sa MAHAL mo" she said , diniin pa talaga niya ang salitang Mahal .. sasampalin ko na sana siya ng magsalita ulit siya "Sige saktan mo ko , pero kahit anong gawin mo , hindi na magbabago ang isip ko !! Sinira nila ang buhay ko , tapos inagaw pa niya ang taong mahal ko !! kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko !!" dahil sa inis ko naitulak ko siya , wala akong pakialam kong babae pa siya ..

"Baliw ka na !!" sigaw ko sa kanya at tinalikuran ko na siya , pero may pahabol pa siyang sinabi na nagpatigil sa akin

"Siya nga pala , may lason pala yung pagkain ni Savannah hahahahaha"

Agad akong tumakbo ng mabilis papunta sa cafeteria , mas binilisan ko pa ng makita ko siyang isusubo na niya ang kanyang pagkain

"AVA WAG !!" sigaw ko mula sa pintuan ng cafeteria habang nakahawak sa tuhod ko at naghahabol ng hininga , ng maayos na ang paghinga ko ay umayos na rin ako ng tayo at lumapit sa kanila , ramdam ko din ang mga titig nila sa akin lalo na si Xyford na masama ang tingin sa akin

"A..anong wag ?" takang tanong ni Savannah , kinuha ko ang pagkain niya at agad itinapon sa labas , bakas sa mga mukha nila ang gulat at pagtataka kung bakit ko yun ginawa

"What are you doing ?" tanong ni Xyford

"May lason sa pagkain ni Savannah" saad ko

"A..ano ? Lason ?" di makapaniwalang tanong ni Savannah

"Kung di agad ako dumating , tiyak nakain mo na yun , tignan mo ang mga ibon na kumain sa pagkain mo" saad ko , nagsitinginan naman sila sa labas , mula rito ay tanaw nila ang mga ibong bumulagta at wala ng buhay

Agad akong napahawak sa panga ko ng bigla akong sinunggaban ng suntok ni Rayleigh

"Rayleigh !!" sigaw ni Savannah , agad namang hinawakan ni Min at Shun si RayleiNixy

"Paano mo nalaman na may lason ang pagkain niya ?! Maybe your the person behind all of this !!" sigaw niya , susugurin niya sana ulit ako pero agad siyang napigilan ng dalawa niyang kaibigan

Pinunasan ko yung dugo sa gilid ng bibig ko at tinignan siya

"Kung ako ang nasa likod nito ? sa tingin mo ililigtas ko si Savannah ?!"

"Ano ba !!! tumigil nga kayong dalawa !!" sigaw ni Savannah , pumagitna kasi siya sa amin "Hindi ko alam kung bakit hindi kayo magkasundo !! pero pwede ba !! wag kayong mag-away !!!" sigaw niya at nag walkout , sumunod naman sa kanya ang kaibigan niyang si Nixy

"Just make sure na wala kang kinalaman dito , kasi pag meron man , hindi lang yan ang aabutin mo !!" sigaw niya at bahagya akong tinulak at lumabas ng cafeteria

"May alam ka ba ?" tanong ni Minjun sa akin

"Basta , bantayan niyo na lang siyang mabuti .. ako ng bahala sa kanya" saad ko at tumalikod

"So , kilala mo nga siya ? bakit hindi mo na lang sabihin sa amin o sa mga pulis para mahuli na siya at matigil na ang kahibangan" gatong naman ni Shun , lumingon ako sa kanila at tinignan ng seryoso

"Kapag ginawa ko yun , mas malala pa ang gagawin niya .. mas mabuti ng ako lang ang nakakaalam sa lahat , mauna na ako" usal ko at tuluyan ng lumabas sa cafeteria

Mula rito ay na tanaw ko siyang nakatingin sa akin na may malawak na ngiti , isang ngiti ng demonyo ang nakikita ko sa kanya , bigla kong naikuyom ang kamao ko sa inis .. Hindi kita hahayaang magtagumpay sa binabalak mo , hangga't kaya ko .. pipigilan kita !!

Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant