Chapter 32

2.4K 52 2
                                    

Savannah's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Savannah's POV

Kanina pa ako kinukulit ni Nixy tungkol sa nangyari kahapon .. nga pala ngayon din ang death anniversary ni Anna .. December 6 , at malapit na din ang Christmas break namin

"Savvy ... ano ba ang nangyari sayo kahapon ? saan ka ba nanggaling ?"

"Wala , umuwi lang ako sa bahay dahil sumama ang pakiramdam ko" mahinang sagot ko , tinignan naman niya ako at bumuntong hininga.

"Hindi mo ba alam na nag-aalala kami sayo ? na baka may nangyari na sayo" malungkot niyang saad , agad ko siyang niyakap ... ayokong magsinungaling sa kanya pero wala akong magawa , kailangan ko itong itago para na rin sa kaligtasan mo..

"Sorry kung pinag-aalala ko kayo ha" usal ko , hinaplos naman niya ang likuran ko

"Wag muna ulit yun gagawin ha ? nga pala , ngayon na yung death anniversary niya , handa ka na ba ?" napakalas ako ng yakap sa kanya 

"Hindi pa siguro ngayon Nix , kailangan ko munang tapusin ang lahat bago ko siya palayain , gusto ko na kapag isaboy ko man ang abo niya sa dagat ay tahimik na ito at wala ng gulo" saad ko sa kanya , humalukipkip naman siya at tinignan ako

"Anong ibig mong sabihin ? Anong kailangan mong tapusin ? Sav ! ilalagay mo naman ba sa kapahamakan ang sarili mo ha ?!" sermon niya sa akin habang nakataas ang isang kilay

"Hindi naman sa ganun pero ...."

"Pero ano ? naku Savvy , wag mo talagang ituloy yang binabalak mo , paano na lang si Rayleigh kapag napahamak ka ? hindi na matuloy ang kasal ? Hindi na rin ako maging maid of honor mo ? Paano na lang ang lah..... Aray ko naman Sav , kung makabatok 'to parang wala ng bukas ah"

"Kung ano-ano na lang kasi yang pumasok sa isip mo eh !.. tsk ! eh kayo ni Minjun ? anong label niyo na ? ligawan na ba ? o kayo na ?" bigla naman siyang umiwas ng tingin at namumula ang mga pisngi ... naku , naku alam ko na yan eh.. hmmp , napangisi na lang ako sa kanya

"tsk ! ba...ba't napunta sa akin ang tanong ?" nginisihan ko siya ng nakakaloko "W..what that's smile ?"

humalukipkip ako at sumandal sa backrest ng may bigla akong naisip

"Teka , si Minjun yun ah ? ba't may kasama siyang babae ? grabeh ang sweet nila" saad ko , nakita ko naman ang pagbago ng emosyon niya , parang mangangain na siya ng tao hahaha , gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang.

Napalingon ako sa pintuan ng cafeteria at mula sa kinauupuan namin ay pumasok ang tatlong lalaki which is Rayleigh , Shun at Min , sakto talaga ang dating nila ah , napatingin ako kay Nixy na matalim na nakatitig kay Min ... uh-oh I smell trouble here , should I run now ?... hahahaha

Arranged Marriage to the Multi-Billionaire's Son (COMPLETE) ✓ (Under Revision)Where stories live. Discover now