Chapter Three

3.3K 116 3
                                    


HINIHILOT ni Valtazar ang kanyang ulo nang pakiramdam niya'y para iyong mabibiyak sa sobrang sakit. Nakaharap siya sa malaking salaming nakadikit sa pinto ng kanyang closet sa loob ng kuwarto. Hindi niya maintindihan bakit sa muling pakakataon na nakita niya ang medicine freshman student na si Olivia ay may mga emosyon siyang natutuklasan sa kanyang sarili na hindi naman niya nararamdaman noon. Katulad na lamang ng pagiging biyolente ang isip niya at curious siya sa pagkatao ng babae maliban sa gusto niya ang pangalan nito.

Kumislot siya nang may kumatok sa pinto kasunod ang boses ng kanyang ina.

"Val, anak! Halika na't kakain na!" sabi ng kanyang ina.

"Yes, Mom!" pasigaw niyang sagot.

Kumuha siya ng puting T-shirt sa kanyang closet saka isinuot. Pagkuwan ay lumabas na siya at dumeretso sa hapag-kainan kung saan may nakahain nang hapunan. Inaayos ng Mommy niya ang mga kobyertos. Pinaghila pa siya nito ng silya.

"Si Dad, Ma?" tanong niya rito saka siya umupo.

"Male-late raw siyang uuwi. Marami pa raw kasi siyang kailangang tapusing paperwork," sabi nito. Umupo na rin ito sa katapat niyang silya.

Naisip niya. Palagi na lang ganoon ang Daddy niya. Noong bata siya, limitado lang ang oras ng Daddy niya para makapag-bonding sila. Lalo na malamang ngayon dahil marami nang branches ang business nitong security and investigation agency. Gusto niyang pumasok sa politika kaya siya nag-aral ng political science pero nakumbinsi siya ng Daddy niya na mag-proceed sa law course. Pagka-graduate niya ng political science ay nag-enroll ulit siya ng law.

"Kumusta naman ang studies mo, anak? Maluwag na ba ang schedule mo?" pagkuwan ay usisa ng kanyang ina.

"Limang subject lang po ang nai-enroll ko sa semester na ito. Nakuha ko naman advanced ang ibang subject last year and during summer class. Kagaya ng sinabi n'yo, kailangan ko nang tulungan si Daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya," aniya.

"Tama ka. Lumalaki na kasi ang kumpanya at nahihirapan na ang Daddy mo. Ikaw lang ang inaasahan niya'ng makakatulong sa kanya."

Dumapo na naman sa isip niya si Olivia. Aywan niya bakit tuwang-tuwa siya sa pangalang may pagkakasing tunog sa olive.

"Uh, Ma, may balita pa ba kayo kay Olive?" hindi natimping tanong niya.

Biglang natawa si Rachell.

"W-what's funny?" kunot-noong tanong niya.

"Sorry. Kasi naman, anak. Twenty years na ang nakalipas since iwan tayo ni Olive at nagpakasal siya sa boyfriend niyang Latino. Hindi mo pa pala siya nakakalimutan? Ang talas naman ng memorya mo," anito.

Napangiti siya. "I didn't mind her actually. I just like the name olive or name sound like olive. I don't know. Natutuwa akong nakakarinig ng ganoong pangalan. Katulad ng pagkatuwa ko sa pagkain ng pizza pie na mayroong sliced of olives."

"Alam mo, ang weird mo. Bakit, may nakilala ka bang olive ang pangalan sa school?" usig nito.

Dumapo na naman sa isip niya si Olivia, na gustong inaasar ng grupo ni Denmark. In fairness, nang makita niyang nakaayos ang babae ay napansin niya ang kakaibang ganda nitong hindi inakala ng sino man. Bihira siya nakakakita ng magandang babae na walang make-up. Sa henerasyon ngayon, kahit mga teenagers ay marunong nang maglagay ng make-up at kung anong pampaganda. Kaya madali siyang ma-atrract sa mga babaeng natural ang ganda. 'Yong tipong kahit kagigising at hindi pa naliligo at nagsisispilyo ay maganda pa ring tingnan.

"Hindi naman olive ang pangalan niya. She's Olivia," kaswal na sagot niya.

"And you like her, right?"

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon