Chapter Five

2.9K 111 1
                                    


TAPOS na ang duty ni Olivia sa restaurant pero pinabalik siya ng tito niya sa kitchen para lutuin ang order ng costumer for take out. Baguhang chef ang naiwang naka-duty kaya hindi pa nito kabisado ang isa sa signature dish nila na isa sa order ng costumer.

"Ang weird. Ngayon lang may nag-order ng cassava rice at creamy seafood with coconut milk sa gabi. Kadalasan umaga at tanghali," wika niya habang niluluto ang nasabing pagkain.

Ang cassava rice ang best seller nila. Isa iyong ginadgad na cassava at tinimplahan ng kaunteng asukal saka in-steam. Katunayan ay gustong-gusto rin niya iyon. Nakapagbihis na siya ng itim na pajama at puting blouse kaya pagkatapos niyang magluto ay nag-empake na siya para hindi na siya mahila pabalik sa kusina. Siya na rin ang nagboluntaryong maghatid ng order ng costumer. Baka ika niya'y dumating na si Natalie.

Pagdating niya sa table 4 ay walang tao. Iyon ang table ng nag-order ng dinner for take out. Nakasilid na sa paper bag ang mga pagkaing naka-box. Inilapag niya sa mesa ang pagkain.

"Olivia?" untag nang pamilyar na boses ng lalaki mula sa kanyang likuran.

Marahas siyang pumihit sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya roon si Valtazar.

"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" wala sa loob na tanong niya.

Biglang bumungisngis ang binata. "Obvious ba? Nandito ako para bumili ng pagkain. At ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" anito saka siya sinuyod ng tingin.

Naging uneasy siya. "Uh, ikaw ba ang nakaupo sa table na ito?" tanong niya.

"Oo. Nag-order ako ng pagkain."

"Ikaw pala ang nag-order. Heto na ang order mong pagkain," sabi niya saka iniabot rito ang naka-paper bag na pagkain.

"Wait, don't say nagtatrabaho ka rito," anito.

"Oo. Nagtatrabaho ako rito bilang chef. Tuwing gabi ang duty ko rito pagkatapos ng klase ko sa university," tugon niya.

Napaawang ang bibig ng binata pero matagal bago ito nakapagsalita. "W-wow! Impressive. Meaning, ikaw ang nagluto ng order ko?" anito pagkuwan.

Tumango siya. "Oo. Katunayan off-duty ko na. Hindi pa kasi alam lutuin ng chef on-duty ang recipe na in-order mo kaya kinailangan kong bumalik at magluto."

"Nakakagulat naman. Bilib na talaga ako sa 'yo. Hindi ka ba nahihirapang mag-aral habang nagtatrabaho?"

"Hindi naman. Nasanay na rin ako. Siya nga pala, bakit dito ka pa nag-order ng pagkain? Marami namang mas sikat at eleganteng restaurant," aniya.

Ngumisi si Valtazar. "Ikaw, masyado namang high class ang tingin mo sa akin. Naghahanap ako ng something new taste of food kaya napadpat ako rito. May empleyado kami sa kumpanya na nagturo sa akin dito. Kakaiba at masasarap daw ang mga pagkain dito. And it's worth it. I found you here. May dahilan na ako para kumain madalas dito."

Nagsisimula na naman itong tarantahin ang kaluluwa niya lalo na ang puso niya. Baka kung hahayaan niya itong pumasok nang tuluyan sa buhay niya ay tuluyan na siyang mabaliw. Nakahanap siya ng dahilan para iwasan ito nang makita niya si Natalie na kararating.

"Ah, maiwan na kita. May bisita kasi ako. Salamat sa order mo. Sana magustuhan mo," balisang sabi niya saka niya iniwan si Valtazar.

Sinalubong niya si Natalie at iginiya sa napili niyang mesa. Kahit iniwasan niya si Valtazar ay hindi niya napigil ang sarili niyang lingunin ang binata nang papaalis na ito. Inalipin siya ng guilt, dahil sa pag-ignora niya sa guwapo at deseteng lalaki na katulad ni Valtazar. Naninibago kasi siya. Iyon ang unang pagkakataon na may lalaking katulad ni Valtazar na lumalapit sa kanya.

...Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum