Chapter 1

743 13 0
                                    

A/n:
This story happens around late 90's to early 2000.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Monamo POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Ngumingiting pinatay ko ito bago bumangon. Mahina pa akong umindak at gumiling para sabayan ang tugtog ng musika mula sa styro ni kuya na nasa kabilang kwarto. Kahoy na pader lang ang pagitan namin kaya rinig talaga mula dito ang ingay ng musika niya.

"O giliw koooooo. Miss na miss kitaaaa" pakikisabay ko sa kanta.

Inayos ko ang higaan bago humarap sa salamin. Inalis ko ang naglalakihang muta at pinunasan ang panis na laway. Nakakainis nga eh, malapit na akong mag sweet sixteen pero tulo-laway parin ako kung matulog. Ang dugyot ko talaga kapag bagong gising. Sabayan pa ng magulo kong buhok na akala mo dumaan sa rambol sa kanto.

Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Sliding window na gawa sa kahoy ang bintana ko. May kalumaan na kaya hindi na gaanong madulas kapag binubuksan. Tumama sa mata ko ang sinag ng araw at bumungad sakin ang isang ibon sa puno ng aratelis na akala mo'y kumakanta sa masiglang paghuni nito.

Nangalumbaba pa ako kakatitig dito hanggang sa lumipad ito papalayo at sumabay sa mga kasamahan nitong nagliliparan. Ang saya sigurong maging ibon. Hihi lilipad-lipad ka lang ganun. Walang pamasahe na kailangan. Siguro kung ibon ako kay lumipad na ako patungong ibang bansa hihi.

Tinanaw ko mula dito ang bahay ng aking kaibigan na medyo may kalayuan. Nasa ikalawang palapag ang kwarto ko kaya malawak ang nakikita ko sa mga lupain na madaming pananim. Malalayo ang kabahayan dito dahil ang kanya-kanyang pamilya ay may malalapad na ektarya ng lupa na noo'y pinamigay ng mayamang pamilya.

Sa dami ng lupain ng mga ito ay hindi na nila kakayanin pang hawakan lahat ng iyon kaya napagdesisyonan nilang ipamigay sa mga dati nilang tauhan. At isa na doon ang lola't-lolo ko na ngayon ay nasa amin na ang lupa. Nakakabaliw siguro yung sobrang dami mong kayamanan ano? Kaya nila pinamigay yung mga lupain nila. Sana lahat!

Pumasok na ako sa banyo at nagsimulang maligo. Kuskos dito, kuskos doon. Sabon dito, sabon doon. Punas dito, punas doon. Madali akong natapos kaya nakapagbihis kaagad ako ng uniporme kong medyo maikli na para sakin. Pang-apat na taon ko na itong gamit at medyo lusaw na rin ang kulay pulang palda. Buti nga lang at nakapag-ipon si mama pambili ng pang-itaas kong uniporme kaya puting-puti ito.

Bahagya kong sinuklay ang basa kong buhok. Hindi ko talaga ugaling mag-ayos dahil tinatamad ako at sadyang hindi talaga ako marunong mag-ayos ng sarili. Sinasampal-sampal ko lang ang pisngi para narin magkaroon ng konting kulay ang balat kong medyo nangitim na dahil sa pagtulong sa pagtatanim sa bukid nitong nagdaang bakasyon.

"Monamo, gising na"

Sinukbit ko sa balikat ang bag at lumapit sa pinto ng may narinig akong sunod-sunod na katok. Bahagya pa akong dumungaw doon at ulo lang ang nakalabas. Bumungad sakin si kuya na ngayon ay may hawak na tasa ng kape at nasa balikat niya ang kanyang damit. Wew! Binabalandera na naman niya ang katawan niyang maskulado dahil sa kakatrabaho sa bukid.

"Magandang umaga, Kuyaaaaaa Miyamor" masigla kong bati na sinabayan ko pa ng malaking ngiti.

"Pagkalaki-laki naman niyang ngiti mo. Lumalabas pati gilagid eh" natatawa niyang sabi "Buti naman gising ka na"

"At....... bihis na" niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makita niya ang kabuuan ko.

"Wow naman! Nakakabilib ka na ngayon, Baby Monamo. Nauna ka pang nakapag-ayos sakin. Sige na, bumaba ka na't hinihintay ka nila mama. Sa labas daw tayo mag-aagahan"

My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now