Chapter 33

100 4 0
                                    

Monamo POV

Nang hindi siya nagsalita pagkaraan ng ilang sandali ay napalingon ako sa kanya. Napatigil lang siya at tila ba malayo ang tingin pero walang tinatanaw.

"N-name? Okay ka lang ba? Nasasaktan ka ba sa nangyari? Naiiyak ka rin ba? Halika sabayan mo ako sa pag-iyak huhuhuhuhuhuhu"

"Shh.. tama na 'yan" wika niya rin. "Halika na. Iuuwi na kita para makapagpahinga ka na. Wag ka nang umiyak nang sa ganun ay maganda ka bukas"

"Ihahatid mo ako?"

"Oo. Pero maglalakad lang tayo para matagal mo akong makakasama"

Feeling din ang isang ito eh.

Sa gitna ng daan ay sinag lang ng buwan ang naging ilaw namin pauwi. Madilim na talaga at rinig na din ang mga kuliglig. Pinauna akong maglakad ni Name at siya ay nakasunod lang sa likuran ko. Ewan ko ba sa kanya kung anong trip niya.

Humahangos ang kanyang paghinga na rinig na rinig ko dahilan para lingonin ko siya. Nakatingin lang siya sa likod ko na tila ba wala sa sarili. Napakunot ang noo ko at lumapit sa kanyang gilid.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Napatigil siya dahil doon.

"Tss! Nag-iisip lang ako ng sasabihin mamaya sa papa mo"

"Ah ganun ba? Hihi close na naman kayo ni papa eh. Kaya hindi na yun magagalit. Siguro magagalit pa iyon kung hindi mo ako hinatid"

"Pagkatapos ng ilang araw ihatid mo din ako ha" pilyo niyang wika.

"Saan?"

"Basta pakihatid ako"

Saan ba kasi?

"Hihi excited ka na ba bukas?"

"Oo naman. Proud nga ako sayo kasi ga-graduate ka din kahit pa ang tarda-tarda mo"

Napangiti ako. Hihi hindi na kaya ako tanga. Ilang ulit siyang huminga na akala mo'y nauubusan ng hangin. May asthma ba ang isang 'to?

"Sige na. Doon ka sa unahan" sambit niya.

"Ahm..Name hihi"

"Ano?"

"Alam mo Name.. hihi gusto yata kita?" patanong kong wika.

Tila ba naestatwa siya. Nakatingin lang siya sakin at ilang ulit kumurap-kurap. Maya-maya'y binuka niya ang bibig para magsalita pero walang namutawi sa kanyang bibig kaya tumiklop ulit iyon. Tapos umubo siya ng ilang ulit.

"Hihi pero sa tingin ko naman hindi iyon ganun katindi. At wag kang mag-alala dahil hindi naman kita aagawin kay Ericka. Nais ko lang talagang malaman mo pero wala akong intensyong kahit ano ha. Hihi paniguradong mawawala din naman ito kaya wala kang dapat ikabahala" ngiti ko pa.

Matamlay siyang ngumiti pabalik at mahinang tumango. Hindi siya nagsalita at nagsimula ng maglakad. Nahiya tuloy ako dahil baka hindi niya nagustuhan ang pag-amin ko. Pero kasi ayoko namang itago lang ito sa sarili. Ang pagmamahal kasi ay dapat pinapadama hindi ba?

Hindi na din ako nag-ingay kaya tahimik lang kami hanggang sa marating namin ang bahay. Dumire-deritso lang ako hanggang sa gate ng hindi siya nililingon.

"Mon Amour"

Napatigil ako at napapihit sa likuran.

"A-ano?" hindi ko alam kung bakit ako nautal at kung bakit ako kinakabahan.

My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now