An Encounter with Monamo

96 5 0
                                    



AN ENCOUNTER WITH MONAMO

Still remember this book? Ang totoo niyan ay ninakaw ko pa ang notebook mong may mukha ni Marvin Agustin sa opisina ng siraulong guro. Nagawa ko na ang lahat ng payo mo sa panliligaw pwera nito.

I know how much you love receiving letters, especially love letters. Wala akong kakayahang ibigay ito sayo kaya hayaan mong pagtagpi-tagpiin ko ang mga pirasong ito hanggang sa maging makapal na libro.

Sa itsura kong brusko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at dinadaga ang puso ko sa kakornihang ito. Hayaan mo, sa araw na mapasaiyo ito at mabasa mo ay sisiguraduhin kong wala na ako.

Let me introduce myself first nang sa ganun ay lubusan mo akong makilala. I'm Name Hechanova. Pangalan palang ay mukhang hindi na pinag-isipan because I'm an accident. Aksidente lang ang pagkakagawa sakin ng mga magulang ko. I'm an illegitimate child of a married man. Peter Hechanova, the school principal had an affair with the rising actress. At iyan ang kwento kung bakit ako nabuo.

Dispite of my ugly past I lived as a happy child not until one day I collapsed and that day I heard about my disease.

"You have A respiratory disorder. A chronic illness. Most causes are unknown. There are usually no signs and symptoms. It is relatively uncommon but very serious." my doctor said.

A disease that is unpredictable. Hindi ko alam kong kailan darating. Bigla-bigla nalang akong nahihirapang huminga na para bang wala akong malanghap na oxygen and my heart stops pumping the reason why my organs stop functioning and my whole body started to collapse. Dalawang beses ko na iyong naramdaman at parang mamatay ako. Sabi ng doctor kapag mangyari pa ulit iyon sakin ay baka.... baka matuluyan na ako because my body can't fight anymore..... And until then I kicked out all the people I cherish.

~Name

My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now