Chapter 15

87 5 0
                                    

Monamo POV

Kasalukuyang ginaganap ang pageant at production number palang ay pasabog na. Hindi ko tuloy mapigilang sumigaw at tumalon para icheer si Ericka. May tig-iisa kaming hawak na balloon na mahahaba. Kakulay iyon ng gown ni Ericka.

"Ericka Lacson, 16, Representing 4th year" pagpapakilala niya sabay ngiti.

Grabe! Sobrang ganda talaga. Mas lalo pang nadagdagan dahil sa angking confidence na meron siya. Waaah kaibigan ko ito eh. Kaibigan koooooo!

"Woaahhhhhh Go Erickaaaaa" sabay-sabay naming sigaw ng barkada ko.

Yung mga taong nandirito ay hindi magkamayaw sa mga kandidatang sinusuportahan nila. Welcome din kasi ang mga outsiders para manood ng pageant kaya medyo madami-dami ang mga tao ngayon. Napakunot-noo ako ng may nakita akong bulto ng tao na kakilala ko.

"Kuya?"

Nakatayo sa di-kalayuan si kuya at tila ba may hinahanap. Tinawag ko siya pero hindi niya narinig dahil medyo maingay ngayon ang crowd.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Aesop ng akmang aalis ako.

"Pupuntahan ko si kuya. Ayun siya oh" sabay turo ko sa kinaroroonan ni kuya.

Nang tumango siya ay kaagad na akong naglakad papunta kay kuya. Kinilabit ko pa siya para makuha ko ang atensyon niya na hanggang ngayon ay lumilinga parin.

"Nandito lang pala ang chuva choo choo namin eh. Kanina pa kita hinahanap"

"Manood ka din po ba, kuya Miyamor?"

"Oo, Ilang ulit mo kaya akong kinulit para manood ng pageant ng kaibigan mo" natatawa niyang untag.

"Hahaha buti nandito ka. Lakasan mong magcheer ha. Audience impact din yun"

Tumatawang tumango siya. Hinila ko na siya papunta sa kinaroonan nina Aesop. Nakipag-apir pa siya dito at sa ibang mga kaibigan ko.

"Hi, Kuya Miyamor" malanding bati ng mga kaibigan kong babae.

"Hahaha hello sa inyo, magagandang dilag"

"Waaaaaaah" nag-unahan silang lumapit kay kuya para yumakap.

Pagkatapos yumakap sa mga kaibigan ko ay nagulat nalang ako ng biglang nag-iba ang mood ni kuya. Ang kaninang tumatawa ay biglang nagsalubong ang kanyang kilay. Susundan ko na sana ang kanyang tinitingnan ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya.

"Dito ka sa gilid ko, Monamo" seryosong turan niya.

"Pero kuya gusto kong mag cheer"

"Makakasigaw ka naman ng nasa gilid ko. Diyan ka lang" pagtatapos niya sa usapan. Napanguso nalang tuloy ako.

Hindi napigilan n'on ang pagsigaw ko ng malakas kahit pa nasa gilid ako ni kuya. Mukhang badtrip yung kapatid ko at kung hindi ko pa pinilit na makisigaw ay hindi niya gagawin. Nang makita niya kung gaano ako mag cheer ay medyo na lessen ang pagkabadtrip niya. Hindi niya kasi mapigilang tumawa.

"Let's now call on, the last but not the least, candidate number 4" anang gurong emcee.

Nasa last part na ngayon ng pageant kung saan gaganapin na ang question ang answer. Palakasan ng matalim na pag-iisip. Hindi lang beauty ang panlaban, kundi dapat pati brain din. Alam kong matalino si Ericka pero hindi ko parin mapigilang kabahan.

"Baby Monamo, bakit ikaw pa yata ang kinakabahan?" natatawang wika ni kuya ng mapansing bigla akong tumahimik.

"Hahaha masyado kasing feeling iyang si Monamo. Akala mo naman siya yung kasali" dugtong pa ni Tamia.

My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now