Epilogue

215 8 0
                                    

Monamo POV

Tiniklop ko ang notebook na galing kay Name. Ito yung ibinigay niya kay Aesop na ipinapabigay niya sakin. Ibinigay ito sakin ni Aesop pagkatapos ng libing ng kapatid niya.

'Yung hatid na sinasabi niya.... ay sa huling hatungan na pala.

Halos mamemorize ko na ang lahat ng nakasulat dito. Wala nang Name na palaging late. Wala nang Name na tatawag saking Tarda. Wala nang Name na kamukha ni Leonardo De Caprio. Wala nang Name na kasama kong magbubulakbol. Wala nang Name na magsusungit. Wala na siya...

Napuno ng iyakan ang buong paligid. Isa-isa kong pinakatitigan ang mga estudyante kong hindi mapigil sa kakaiyak matapos marinig ang kwento ko. Yung mga lalake kong mag-aaral na akala mo'y kung sinong matitigas ay lumuluha din at pasimpleng sumisinghot.

Limang taon na ang nakakalipas pero naalala ko pa rin ang mga pangyayari na tila ba kahapon lang nangyari ang lahat.

Naging guro ako. Pinangako ko sa sarili na magiging isang mabait na guro ako na hindi kailangang katakotan ng mga mag-aaral. Naging co-teacher ko rin si Miss Magenta. At ang mas nakakamangha pa ay naging mag-asawa sila ni Sir Benj. Hindi ko nga alam kung paano niya napikot ang guro naming iyon.

"Ano ba naman kayo students ilang ulit niyo na narinig ang kwentong iyan. Hanggang ngayon naapektuhan parin kayo?" ngiti ko.

"Grabe, Ma'am. Nakakapanghinayang po talaga. Hindi na ba kayo naaapektuhan?" curious na tanong ng isang estudyante habang nagpupunas ng luha.

"Minsan kapag bigla siyang napapadaan sa isip ko ay gusto ko nalang umiyak. Pero kapag naiisip ko ang nakabusangot niyang mukha ay umaatras ang luha ko. Hihihi ayaw kasi noong umiiyak ako"

"Eh kapag po nagkita kayo at nagkaharap ulit? Ano po ang gusto niyong sabihin sa kanya?"

"Ay naku ayoko pa siyang makita. Hindi pa ako handang mamatay"

Nagsitawanan sila at naibsan ang kalungkutang namayani sa paligid.

"Kapag may pagkakataon mang makita ko siyang muli ay magpapasalamat ako" napatingala ako. "Salamat dahil nakilala kita. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Salamat sa mga ngiting ibinigay mo. Salamat sa mga luhang naibuhos ko dahil sa ipiniramdam mo. Salamat sa lahat na alaalang babauunin ko. Masayang-masaya ako sa lahat pero sana....." buntong-hininga ko.

"....sana bumalik ka. Sana buhay ka pa. Sana kasama pa kita. Sana mabibigyan mo ulit ako ng ngiti. Sana marami pa tayong magagawang alaala. Pero alam kong hindi na at doon ako nawawasak. Nawawasak sa katotohang wala ka na talaga at hindi na muling babalik pa"

Bumalik na naman ang lungkot sa paligid. Naririnig ko ang pagsinghot nila at mahihinang hikbi.

"Paano niyo po natanggap na wala na siya?"

"Hindi ko parin naman gaanong natatanggap. Pero umuwi na siya. Umuwi na siya sa totoong tahanan ng lahat. Alam kong masaya na siya doon. Wala akong kakayahan na pigilan ang kasiyahan niya kapag malulungkot ako. Nasa kapayapaan na siya at dapat maging maligaya ako para sa kanya. Iyon ang huli niyang ginusto bago pumanaw. Ang maging masaya ako. At para sa ikakatahimik niya ay pinag-aralan kong maging masaya. Dumadalaw parin naman siya sa panaginip ko pero hindi na kasing dalas gaya ng dati. Naging madalang ng may nagsimulang pumorma"

"Ma'am, yung pumo-porma sa inyo andiyan na" turo nila sa pinto habang ngumingiti ng malaki.

Napalingon ako doon. Ngumiti siya sakin habang may dala-dalang gitara. T-shirt at jeans lang ang suot niya ngayon para dalawin ako. Lumapit siya sakin at nagbigay ng bouquet ng bulaklak. Napangiti ako dahil doon.

My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now