22: The Curse of the Herring's Eyes

1.5K 107 2
                                    


Alas-otso pasado na ng gabi. Kasalukuyang natutulog si RYJO sa guest room. Hindi na siya inabala pang gisingin nina Josef kaya nag-usap na lang nang masinsinan sina Laby at ang lalaki sa labas ng nakabukas na guest room.

"We have to," mahinang sinabi ni Laby kay Josef habang nakasandal sa railings ng second floor at nakatuon ang tingin sa loob ng guest room.

"Ginawa n'yong computer laboratory 'tong guest room!" pabulong na sigaw ni Josef habang tinuturo ang loob ng kuwarto. "Tatlong malalaking monitor at dalawang laptop? Sabay-sabay mo 'yang ginagamit? Ilang mata at kamay ba ang meron ka? Puno pa ng cable yung sahig! Paano kung makoryente kayo niyan? Saka saan mo 'yan nakuha, ha? Isang set ng computer lang ang pinaakyat ko rito, di ba?"

Pinaikutan lang ng mata ni Laby ang sermon ni Josef at inilingan pa ito. Itinaas na lang niya ang mga kamay bilang pagsuko. Ano ba ang magagawa niya? Sumusunod lang naman siya sa inuutos sa kanya. Lumapit na lang siya sa pinto ng guest room at isinara iyon.

"Sino'ng may sabing dalhin n'yo yung mga 'yon sa guest room, ha? Paano n'yo tatanggalin 'yon kapag dumating na ang may-ari nitong bahay?"

"RYJO's fault, don't blame me, I only follow orders," katwiran ni Laby sabay sipol. "Oh! I have something to show you, follow me."

"Ano na naman 'yan?" iritang tanong ni Josef habang sinusundan si Laby pababa ng hagdan.

"Alam mo ba ang dahilan ng kasal ninyo ni Jocas?" tanong ni Laby habang nasa daan sila.

"Bakit mo natanong?" Nginitian na lang ni Josef ang mga naghahandang maid na nakakasalubong nila sa sala ng bahay.

"Pero alam mo nga?"

"May utang ang mama ko sa isang business partner niya. Nag-request 'yon. Hindi niya kami gigipitin pero ang kapalit, magpapakasal ako sa anak ng pinagkakautangan ni Mama. As far as I know, 'yon ang parents ni Jocas. Sila lang din naman ang nandoon noong kasal namin."

"Napapayag ka sa kasal?"

"I can't say no to my mother."

Natawa na lang tuloy si Laby sa paliwanag ni Josef. Alam kasi niya sa sarili niyang hindi iyon ang kuwento.

"Six years ago, may naging agreement ba kayo ni RYJO bago ka mawala sa Asylum?" tanong ni Laby at saglit na huminto pagtapak nila sa labas ng bahay. Tinantiya niya ng tingin si Josef at ang isasagot nito sa kanya.

"Paanong agreement?" tanong din ni Josef at huminto rin sa tabi ni Laby sabay pamaywang.

"Agreement. Like . . . basta kasunduan." Kahit si Laby ay nalito na rin sa gusto niyang sabihin. "I mean, alam mo 'yon, she'll gonna find you someday because of something, mga gano'n? Hindi ka niya patatakasin nang walang kapalit. She let you out, di ba? Or live, rather."

Napataas na lang ng kilay si Josef at napatango nang makuha ang punto ng dalaga. "She said she'll look for the eye."

Pagkatapos sabihin iyon ni Josef ay bigla siyang natauhan. Kumunot agad ang noo niya dahil parang nakukuha na niya ang tunay na gustong puntuhin ni Laby.

"Don't tell me, she planned all this?" pagdududa agad ni Josef.

"Parang gano'n na nga." Nagpatuloy na sa paglalakad si Laby patungo sa kaliwang gilid ng bakuran ng bahay. "Yung kasal n'yo? Planado ni RYJO. Masyadong matagal ang planning, but I must say, it was well-planned. Si Erajin Hill-Miller ang nagbayad ng lahat ng utang ng mama mo. Ipinakasal ka niya sa babaeng gusto niyang pakasalan mo, which is, siya rin gamit ang ibang pangalan. Of course, Erajin Hill-Miller can't marry Rynel Josef Malavega. Malaking issue 'yon, pagkakaguluhan siya ng media kaya gumamit siya ng ibang pangalan."

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon