Nakatanaw si Laby sa labas ng salaming dingding ng diner na pinagdalhan sa kanya ni Riggs. Maganda sa lugar na iyon. Payapa. Tahimik. Normal.
Pumatak na ang alas-siete at hindi pa rin niya alam kung ano na ang susunod na gagawin o kahit lugar na pupuntahan. Hindi puwede sa lahat ng lokasyong alam niya dahil alam niyang naka-monitor iyon. Nag-arkila siya ng mga tao para linisin ang kalat na gawa ni Jocas sa bahay ng mga Thompson gamit ang linya ng Asylum. Malamang na mata-track iyon ng mga Leveler. Pero kahit na ganoon, wala naman nang magagawa ang mga taong naglinis, lalo pa't bahay iyon ng President at walang kukuwestiyon kung saan galing ang request ng cleaning operation.
"Bestseller nila 'to rito," pagbasag ni Riggs sa pagmumuni-muni niya. Inilapag ng binata ang dalawang platitong kinuha mula sa self-serving counter bago pa man i-serve ng waitress ang iba pang order nilang dalawa.
Tinitigan ni Laby ang platito at nakitang macaroni salad iyon.
"Hindi ka ba magbe-breakfast sa inyo?" usisa ni Laby at kumuha na ng kutsarang available na sa mesang iyon.
"Kapag nale-late ako ng uwi every morning, alam na ng mga maid na dito ako kumakain ng breakfast," kuwento ni Riggs at kumuha na rin ng kutsara.
Nakailang sulyap din si Laby sa binata. Sa ilang anggulo at biglang tingin, kahawig nito si Josef pero kapag tinitigan nang matagal, umaangat ang mukha ni Leonard Thompson. Prominente ang panga, matangos ang ilong, manipis ang labi, kulay brown ang mga matang mas lalong umaangat ang ganda kapag naiilawan. Maputi pa naman ito at matured nang tingnan. Unti-unti nang nagkaka-muscle ang mga braso nito na malamang ay gawa ng physical trainings. Nakikita naman niya iyon dahil nakasuot lang naman ng gray na T-shirt si Riggs. Bahagyang nabasa ng pawis ang buhok nito sa bandang noo. May pagkamaalon pa naman ang buhok nitong natural ang pagka-brown kapag hindi nito nilalagyan ng wax.
"Nagkuwento si Mephist kagabi," sabi ni Riggs habang hinahalo ang salad niya. "Nabalitaan ko kasi sa Asylum yung sinasabi mo. Nagdeklara ng all-out war ang Slayer."
"Hello, dear," masiglang pagbati kay Laby ng babaeng may dalang tray. Tantiya ni Laby ay nasa kuwarenta anyos mahigit na ang edad nito. Nakasuot ng pink na uniform at may katabaan ang pangangatawan.
"Marunong ka palang mag-imbita ng babae dito, Rigory," sabi nito sa binata habang nilalapag ang mga platong laman ng tray sa mesa nila.
Naging matipid at pilit ang ngiti ni Riggs sa babaeng nagse-serve sa kanila.
"Hindi siya friendly," paalala ng babae kay Laby.
Tumango agad ang dalaga para sumang-ayon. "I know."
"Christina."
Natawa na lang ang babaeng tinawag na Christina ni Riggs. "Enjoy your breakfast." At umalis na rin ito pagkatapos.
Napabuga ng hangin si Riggs at saka umiling. "Don't mind her." Inisa-isa ng tingin niya ang nakahain sa mesa.
"She was just telling the truth," pang-asar ni Laby na ikinataas naman ng kilay ni Riggs. Nginitian na lang ng dalaga ang baked lasagna, french toast, bacon and egg, saka hot chocolate na nasa mesa nila.
"Nagtrabaho ka sa dalawang association?" usisa ni Riggs habang sinisimulan na ang pagkain niya.
"AA na lang ang hindi ko pa napapasukan."
Napahinto tuloy sa pagnguya si Riggs dahil ibig sabihin, maliban sa SC at sa MA, nakapagtrabaho na rin si Laby sa SI.
"So, this breakfast is really an interview," sabi ni Laby habang ine-enjoy ang pagkain niya.
"Not really," sagot ni Riggs. "It's just that . . . you're just too good to be true."
Agad na napahinto si Laby sa pagsubo at tiningnan si Riggs nang may kaunting ngiti sa mga labi.
"I mean," kontra agad nito sa sinabi dahil na-realize na parang may mali sa huling sinabi nito, "you're too young to have everything." Tumango-tango pa ito parang ipakitang tama na siguro ang sinabi nito kay Laby. Pagkatapos ay nasalubong nito ang tingin ng dalaga na parang nag-aabang pa ng salita sa kanya habang nakangiti.
"Huwag mong isiping na-a-amaze ako sa 'yo because of that," katwiran ni Riggs sabay iwas ng tingin.
"Hahaha! It's okay. I get it." Natawa na lang tuloy si Laby. Tumango rin siya habang nakangiti nang malapad. Namumula kasi si Riggs at halatang nahiya sa mga sinabi nito.
Base sa nakikita niya, hindi nga makapaniwala si Riggs sa kaunting nalaman nito tungkol sa kanya.
"I met your father when I was nine," kuwento ni Laby. Sumandal siya sa kinauupuan habang hawak ang french toast na may palamang bacon and egg. "General assembly 'yon ng mga leader and head. Announcement 'yon about sa declaration ng bagong Zenith. Which is the Brain. Pero wala namang nakaalam na ako 'yon."
"Kilala ka ni Daddy?" usisa ni Riggs habang iniisa-isa na ang laman ng plato niya.
"I'm sure he knew me. I tried to find something good sa profile niya. 'Yon nga lang, hindi ako nakakuha ng kahit anong info about him." Itinuro niyang saglit si Riggs. "I'll take my stay in your house as an achievement."
"You're a spy," paninigurado agad ni Riggs. "Agents will kill you, you know?"
"Yeah. And that's inevitable." Napatango agad si Laby kasi totoo naman ang sinabi nito. "Kaya ikaw, good luck sa magiging posisyon mo sa Asylum. Sa MA kasi, kapag nakapasa ka sa assessment nila, Main Sector na ang sasala ng mga newly recruit para maging rookie. But sure na ang category mo as Ranker. Sa Asylum, gaya mo, iniipon muna nila sa Hamza ang mga tao para maging neophyte. So, technically speaking, hindi pa kayo valid as active agent unless nakakatanggap na kayo ng outside mission. Mas mahigpit sila sa agent resources sa Asylum compare sa ibang assoc. Assassin's Asylum have the best of the best assassin. Hindi nila priority ang intelligence kaya hindi ako sumusubok sa kanila. Escadron Elites lang naman ang tumapat sa kanila pagdating sa contract killing."
Nagpatuloy lang sa pagkain ang dalawa habang nagkukuwentuhan. Hindi naman inaasahan ni Laby na may pagkakataon din palang nakakausap nang matino si Riggs.
"You should enjoy your life here sa labas," sabi ni Laby habang sinisimot ang laman ng plato niya. "Maghanap ka ng friends. Play outside. Enjoy other's company. Find a girl. Do what a normal teen would do. Hindi mo kailangang magmadali para makapag-level up."
"Kailangan kong mahabol ang annual ranking ngayon," tugon ni Riggs habang inuubos ang chocolate nitong lumamig na nang bahagya. "October na. Ilang buwan na lang ang natitira sa 'kin."
Umiling si Laby para kontrahin ang binata habang nakangiti. "'Yan ang dahilan kaya ako nagsisisi ngayon. Habol lang ng requirements. I'm telling you, you won't like it once you see the system's flaws. Tingnan mo ang kuya mo. Isinuko niya lahat para lang sa tahimik na buhay kahit na alam niyang babalik siya sa wala. Hindi lahat ng nasa taas na, kayang gawin 'yon."
"Iba naman si Kuya."
"Paano siya naging iba e kung tutuusin, pare-pareho lang naman tayong lahat."
Napatingin na naman sa labas si Laby at natanaw ang nakahintong ferris wheel na mas malapit nang tanawin mula sa diner.
"Ano'ng oras nagbubukas 'yan?"
Tinanaw naman ni Riggs ang tinitingnan ni Laby bago ibalik sa dalaga ang tingin niya. "Bukas na 'yan ng 10 ng umaga. Pero nag-o-operate ang rides ng mga 1 ng hapon."
Napatango na lang si Laby at pinakatitigan na lang ang ferris wheel.
"Gusto mong pumunta? Samahan kita."
Iginilid ng dalaga ang tingin. Sinukat ng tingin ang kaharap. Mukhang seryoso naman si Riggs sa alok.
"Libre mo? Tara."
---
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
ActionIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...