Chapter 15

13K 149 6
                                    


        Adrian's POV

"Sino nagsabi sayong pwede mong i-date si Elaine?!" matigas na tanong niya. Humarap ako sa kanya habang nakangisi

"baka nakakalimutan mo Aiden, isa ako sa amo ni Elaine. Gagawin ko kung anong gusto ko, usapan natin na maghahati tayo sa oras ni Elaine pero ano ka ngayon? sinasarili mo! para tayong di magkapatid ah!" sagot ko.

"Bat dika nalang humanap ng sayo?!" inis na sambit niya

"Gusto ko si Elaine, alam kong alam mo. Kung gusto mo, humanap ka ng sayo at akin si Elaine" sabi ko.

"tarantado ka pala eh?!-"

"Nag-aaway ba kayo?" sulpot ni Elaine. Agad naman kaming napatigil ni Aiden

"Hindi, nagkukwentuhan lang" sagot ni Aiden tsaka lumapit kay Elaine at niyakap.

Di ako papayag na maunahan mo ako. Binabayaran mo lang ang katawan niya at hindi ang puso niya.


               Aiden's POV

"bakit mo inaaway si Adrian?" tanong ni Elaine habang nakasakay kami ng kotse papuntang trabaho

"Bakit hindi?" pagsusungit ko. Isinama ko si Elaine kahit ayaw niya, ayoko ng magkasama sila ni Adrian.

"Anong kasalanan niya sayo?" tanong niya. Di ako makasagot, alam kong hindi katanggap tanggap yung rason kong ayaw ko silang magkasama pero yun yon eh. Ayoko ng magkasama sila. Gusto ko ako lang

"Bat dika makasagot?"

"Manahimik ka" tanging sambit ko na lang. Tumahimik naman siya agad at lumingon sa bintana. Shit diko matiis!

"sorry"

"Okay lang"

"May hindi lang kami napagkaintindihan, okay na din kami mamaya"

"Sana huwag na kayong mag-away, kayo nalang natira eh. Wala na nga kayong magulang nag-aaway pa kayo" sabi niya.

Pero wala akong pakialam kahit kapatid ko siya, diko siya sasantuhin oras na ginalaw niya maski hibla ng buhok mo.

"good morning sir"

"May meeting ba tayo ngayon?" tanong ko kay Mia

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDWhere stories live. Discover now