Alice's POV
"Eh sorry na, nadala ako sa ganda at sexy nung babae eh" putang igik!
"Nadala ka?! Sira na plano natin nang dahil sayo! Kung nakapag pigil ka lang sana edi tuloy ang plano?!" Bulyaw ko sa kanya
"Eh malay ko bang kaibigan pala ni Elaine yung sexy na yun"
Heto ngayon, gagawa at mag iisip ng panibagong plano. Okay na yun eh, nasira ko na pagsasama nila. Kung di lang dahil sa Tia na yun hindi kami mabubuking!
"Sexy?! Huh! Pinagbigyan na nga kita eh! Dipa sapat yun?!" Sigaw kong tanong
"Sorry na, mag isip ka na lang ng iba" sabi niya
Sa inis ko ay padabog na lang akong umalis sa harap niya at nagtungo ng salon para sana makapag relax nang diko inaasahang makasabay ang dalawang babaeng salot sa buhay ko
"Kita mo nga naman ang mundo, napakaliit talaga" parinig ko
"Nga eh, akalain mong pati na pala sa salon may hipon pero mukhang unggoy?" Sagot ni Tia. Napairap ako
"Tsaka bat ka nandito? Hindi ito bar, wala kang makukuhang lalaki dito" tawang dagdag ni Tia. Bwisit talaga
"Sshhh! Huwag kang maingay Tia, baka tuklawin ka niyan" sambit ni Elaine. Galit ako sa bahay tapos gagalitin pa ako ng dalawang ito
"Ah ahas ah?" Agad akong tumayo at hinila ang buhok ni Elaine.
"Aray! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya sakin pero mas lalo ko pang hinila kasama ang anit niya
"Maam tama na po"
"Guard may away"
"Kaya mo yan Elaine!"
Patuloy ako sa pagsabunot sa kanya ng biglang may lalaking pumagitna sa amin tsaka ako tinulak
![](https://img.wattpad.com/cover/189346012-288-k259385.jpg)
CZYTASZ
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomansIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...