Chapter 43

8K 111 1
                                    

              Tia's POV

"Huy Tia, kailan pa naging kayo niyang si Mark?" Tanong ni Elaine habang hinehele si baby.

Nandito kasi kaming tatlo nila Jade at Elaine sa may kubo habang pinapanood sila Aiden, Adrian, Mark at kuya Rey na naliligo sa pool. Abala naman sila nanay Ester at mga katulong sa pagluluto ng pagkain.

"Tsaka mahal mo ba?" Singit ni Jade. Napalunok ako. Kahit papano nagiging kaibigan ko na din tong madaldal na Jade na to kaya naman siguro okay lang na magshare no?

"H-hindi" sagot ko

"Eh? Dimo mahal pero sinagot mo? Naku Tia. Kung dika sigurado sa nararamdaman mo huwag mong paasahin yung tao" sabi ni Elaine.

"Ayoko lang kasi na malaman ni Adrian na m-mahal ko na siya kaya binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong magmahal ng iba" sagot ko

"Panakip butas ganon?" Jade

"Siguro...parang ganun na nga. Pero balang araw mamahalin ko din tong si Mark" sabi ko habang nakatingin kay Adrian. Nang biglang lumapit yung babaeng bwisit sa buhay ko. Bakit ko pa kasi sinabing isama niya yan? Kung makakapit sa braso ni Adrian kala mo aagawin boyfriend niya.

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDWhere stories live. Discover now