chapter 63

6.2K 112 9
                                    

        Elaine's POV

"Anong nagawa ko?" Hagulgol kong tanong sa sarili ko. Niyakap ako ni Tia

"Ang tanga ko! Di ko pinakinggan ang asawa ko. Anong gagawin ko?"

"Sshhh. Dipa huli ang lahat, kami na bahala kay Jaiden" agad kong pinunasan ang luha ko tsaka lumabas ng gate at mabilis pumara ng sasakyan.

"Kuya pakitabi" sabi ko sabay abot ng pera

"Maam sukli niyo" sigaw niya sakin pero diko siya nilingon at tumakbo sa gate ng bahay.

"Ate Mel? Pakibukas!" Sigaw ko mula sa loob.

"Nanay?!" Sigaw ko pero walang sumasagot. Nalingon ko ang simento na pwede kong tatapakan para akyatin ang gate.

Mabilis kong inakyat ang gate tsaka tumakbo papasok ng bahay. Walang tao? Agad akong dumiretso sa kwarto.

Pagbukas ko ng pinto ay amoy ng alak at sigarilyo ang sumalubong sakin. Makalat at madilim ang kwarto namin. Napaiyak ako sa nakita ko, hindi dapat nangyari to.

"A-aiden?" Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot, napansin kong may taong nakaupo sa sahig at nakayuko. Si Aiden.

Pinigil ko ang mga hikbi ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa ulo, shit inaapoy ng lagnat.

"Aiden?" Banggit ko.

"Diva shavi ko umayis na kayo? Iniwan *hik* na ako ng *hik* mag-ina ko *iwan nyo na din *hik* ako" agad ko siyang niyakap at hinalikan sa labi kahit mainit ito, lasang alak pero okay lang

"Mahal ko sorry" sabi ko

"Elaine?" Umiiyak niyang tawag sa pangalan ko

"Nananaginip *hik* ako" sabi niya

"Hindi, ako to. Totoo" sabi ko tsaka siyang muling niyakap

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora