Chapter 26

4.4K 89 3
                                    

Chapter 26

3rd Persons POV

"See Jelene, I told you. The guy has a feeling towards you." Bigla na lang sabi ng ina ni Jelene na nagpalingon sakanya. Hindi niya mawari kung sino ang tinutukoy nito pero, pero dahil nakatingin ito sa harap kung saan kumakanta ang kaniyang matalik na kaibigan ay nagkaroon na siya nang ideya kung sino ang tinutukoy nito.

Binalik na lamang niya ang tingin sa harap at di na nag abala pang sagutin ang kaniyang ina, hindi naman ito tanong na kailangan niyang sagutin at isa pa wala nang punto pa para i deny niya ang pagkagusto ng kaibigan niya sa kaniya. Oo, matagal na nitong sinasabi na may gusto si Elric sa kaniya pero ipinag sasawalambahala na lamang niya iyon. Alam niyang malaki ang pagkagusto nang kaniyang mga magulang kay Elric para sa kanya, pero anong magagawa niya iba ang tinitibok ng puso niya at hindi si Elric iyon, kundi ang lalaking dati ay hinahangaan niya lamang ngunit ngayon ay asawa niya na.

Asawa mo na nga may gusto namang iba. Sigaw ng maliit na tinig sa utak niya. Nasaktan siya nang maisip iyon pero agad na lang niyang piniling ang ulo niya.

"Kung hindi ka lang siguro nabuntis ay siguradong siya ang makakatuluyan mo Jelene. Pero hindi pa naman huli ang ang lahat, marami pa naman ang oras para sa inyong dalawa." Maya maya pay dugtong nito ng di siya sumagot.

Naalarma naman siya nang biglang tumayo ang asawa niya na katabi niya laman sa round table na kaharap ng inuupuan nila.

(Daddy ni Jelene, Mommy ni Jelene, Elric, Jelene, Ace<------posisyon po nila yan habang nakaupo tas isipin niya na lang po na nakabilog yan, at habang nag uusap sila wala po si El andun sa stage kumakanta)

Agad naman siyang tumayo para sundan ito ngunit hinawakan siya ng kaniyang ina at pinaupong muli.

"Mom I need to follow him mom."

"Let him be anak, don't act as if you are desperate iha I never let you grow to be like that." Napaupo na lang muli ang dalaga dahil sa tinuran nang ina, ito ang unang beses na narinig ang salitang iyon sa bibig nito at nasaktan siya.

Sa may hardin malapit sa pinagdarausan ng anniversary ng orphanage dinala si Ace ng kaniyang mga paa. Naiinis siya hindi niya alam kung sino basta ang alam niya ay naiinis siya. Naiinis siya sa tinuran nang ina ni Jelene kanina pero di naman niya ito masisisi kung gusto nito si El para sa kaniyang anak dahil bukod sa matagal na nitong kilala si El ay masyado rin itong maalaga at mapagmahal sa anak. Ang pinagtataka niya ay bakit siya naiinis sa tinuran ng ina ng dalaga kung wala naman siyang gusto para rito. Napatawa na lang siya ng pagak nang maisip iyon.

Sa katotohanan ay di naman talaga mahirap mahalin si Jelene mabait ito, mapagmahal, malambing, maalaga at higit sa lahat mahal siya nito idagdag mo pa ang napakaganda at napakaamo nitong mukha at ang magandang hugis na katawan nito na unti unti nang nagbabago dahil sa unti unti ring paglaki ng umbok ng tiyan nito.

Napaisip na lang siya, kanya kaya ang batang iyon? Naguguluhan siya dahil sa totoo lang wala siyang maalala at yun ang ikinagagalit niya. Oo nakita niya itong katabi siyang hubo't hubad sa iisang kama, pero may nangyari ba talaga sa kanila? Hindi siya sigurado, may dugo sa kama. Oo pero hindi yun sapat na dahilan para maniwala siya.

Isa pang ikinagagalit niya ay dahil nabulilyaso ang kasal nila France dahil sa nangyari. Ayaw ng ina niya kay France pero ewan niya kung bakit gustong gusto nito si Jelene.

Nagulat na lang siya ng bigla siyang nakarinig ng isang ingay, ingay na para bang hinihingal at nahihirapan. Pinuntahan niya ang pinagmulan ng tinig at nagulat siya nang makita si France, nanghihina ito at halatang nahihirapan.

"France baby whats happening to you?" Agad niya itong dinaluhan at inalo.

"A-ace b-bakit ka nandito? Dapat nandun ka."

"Shhhhhhh tell me whats happening to you."

"Ace I have to tell you the truth now matagal ko na tong tinatago pero sa tingin ko ay kailangan mo na itong malaman ngayon." Medyo kinakabahan siya sa tono ng pananalita nito.

"I-I have a brain cancer and its getting worst, sa tingin ko hindi na tatagal ang buhay ko." Napatulala na lang siya, hindi siya makapaniwala.

" The doctor said that I can continue my treatment in US dahil mas advance sila sa teknolohiya roon, pero ayoko napapagod na rin ako. Half of my life I already spend in my therapies but I guess its now time to stop, I want to enjoy my remaining time before I die para kahit papaanoy may babaunin naman akong magandang alaala bago ako mamatay." Hindi niya lang namalayan pero umiiyak na pala siya, mahal niya ang dalaga na kahit nagtaksil ito sa kaniyay natanggap niya pa rin ito.

"I'll come with you, lets enjoy your remaining days together." Ang determinadong pahayag niya.

"Ace your wife, she need you most."

"Ikaw ang mahal ko."

"Pero kailangan ka niya."

"I dont care about her, all I care about is you."

"Fine you'll come with me but after she give birth."

***********************************************************************

Meron pa bang nagbabasa?????

Naniniguro lang...........




A Wifes Cry of Intimate  PainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt