Epilogue

6.2K 70 8
                                    

Epilogue

"Ace?" Tawag ko sa pangalan niya, nanginginig ang bawat kalamnan ko sa takot. Sinalo niya ang balang dapat ay para sa akin.

"J-jelene." Nahihirapan niyang saad. "I-I l-love you."

"Wag ka nang magsalita please lang, mas lalo ka lang mahihirapan." Isa-isang tumulo ang luha sa aking mga mata, hindi ko alam kung bakit nabalot ng sakit ang buong pagkatao ko, at ramdam kong tumagos iyon sa kaluluwa ko.

Gaya ng sinabi ko hindi na siya nagsalita pa, pero dahan dahan kong naramdaman ang pagka kalas ng yakap niya. Agad ko siyang niyakap sa akin, ramdam ko ang bigat niya pero pinili ko yung indahin, walang tigil ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata.

Parang nag slow motion ang lahat at wala akong narinig sa paligid, bumagsak si Ace kasama ko. Hindi ko na kinaya pa ang bigat niya.

"M-mahal kita." Ang sabi niya, isang salitang nuon ay gustong gusto kong marinig sa kaniya.

Pero imbes na maging masaya dahil narinig ko na iyon sa wakas ay nabalot ng sakit ang buong pagkatao ko.

'Bakit ngayon pa Ace? Bakit ngayon pang masaya na ako sa piling ng ibang tao. At hindi na ikaw yun, hindi naging ikaw yun.' Gusto kong isumbat sa kaniya pero pinili ko na lamang manahimik.

"At k-kung bibigyan m_man a-ako ng bagong b-buhay, itutuon ko na ang lahat ng i-iyon sayo at sa a-anak natin." Mahina at nahihirapang usal niya.

"Shhhhh Ace please, wag ka nang magsalita.mas lalo ka lang manghihina." Hinaplos niya ang mukha ko at kitang kita ko kung paano dahan dahang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Umiyak siya, at ngayon ay alam kong para sa akin na ang mga luhang iyon.

"B-bakit hindi k-kita minahal n-nuong una pa lang? Bakit k-kailangang masaktan pa kita ng paulit ulit bago k-ko marealize na mahal na pala k-kita." Hindi ako nagsalita, wala akong masabi. Pilit ko mang pinigilan ang aking mga luha pero pilit rin silang kumawala.

Gusto ko mang isumbat sa kaniya ang lahat ng sakit ngunit pagod na akong alalahanin ang lahat ng bangungot na iyon na matagal ko nang gustong ibaon sa limot.

"I'm sorry." Natapos niyang sabihin iyon ay umubo siya ng dugo, kinabahan ako ng sobra. Nakit ko ang dahan dahang pagpikit ng kaniyang mga mata.

"Ace?" Tawag ko sa pangalan niya, tinapik ko ng mahina ang kaniyang mukha ngunit mahina at nasasaktang ungol lang ang tanging naisagot niya.

"Ace?"

"........."

"Ace!"

"......."

"ACE!" Sigaw ko ng hindi siya sumagot.

"Ace kailangan ka ng anak natin, kahit siya na lang Ace? Mabuhay ka para sa kaniya, kahit para sa kaniya na lang Ace!"

Ngunit hindi pa rin siya sumagot.

Nanatili siyang nakapikit.

At nakita ko ang dahan dahang pagkawala ng kaniyang hininga.

"Ace akala ko ba mahal mo ako? Bakit ganun na lang kadali para sayong pauli ulit na iwan at talikuran ako. Kung totoong mahal mo ako gagawin mo ang lahat para mabuhay kasama ako. May anak pa tayo Ace na nangangailangan satin. Kung gusto mong mabawi kami kailangan mong mabuhay." Bulong ko.

Naramdaman ko ang dahan dahang pagbagsak ng aking mga luha.

Akala ko ay hindi na talaga siya iimik pa.

Pero nagulat ako nang masilayan ang ngiti sa kaniyang mga labi at bumuka ang kaniyang mga mata.

"Seeing you cry for me means hope. Hindi ka iiyak kung wala akong halaga sayo Jelene, mabubuhay ako. Babawiin ko kayo." Ang sabi niya bago pa man siya maisakay sa ambulansiya na hindi ko alam na naroroon na pala.

Magulo ang lahat pero parang wala akong nakita o narinig man lang.

Hanggang sa maramdaman ko ang isang yakap at marinig ang isang tinig na bumuhay sa aking dugo.

"Everything will be allright Jelene, hon. I promise you that."

*****************************************
END OF BOOK 1

SO MEANING MAY BOOK 2 SIYA WAHAHAHAA SEE THE PROLOGUE AHEAD......

Check out for my profile I have new published stories entitled "TRAGICALLY YOURS" AND "I HATED HER" PLEASE BASAHIN NIYO RIN YUN Guys.......

A Wifes Cry of Intimate  PainWhere stories live. Discover now