PROLOGUE

19.6K 352 38
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses and places are purely coincidental. Some events and incidents are purely products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events, are purely coincidental.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission.

Plagiarism is a crime.

This story is unedited and there is purely grammaticaly errors and some typo so please bare with the author.

PROLOGUE:

"Bilisan mo na kasi! Ano ba naman 'yan? Napaka-bagal!" sigaw ko sa boyfriend kong napakahinhin kung kumilos!

Nasa likod ko siya at hindi magkada-ugaga sa pagdala ng bag ko at sampong books ko, plus sampong books niya rin. Eh malaki naman ang katawan niya, kayang-kaya niya yan!

"Ah." May narinig akong paglagabog mula sa aking likuran pero hindi ko pinansin.

"Ano ba naman 'yang boyfriend mo? Lalampa-lampa," natatawang sabi ng babaeng nakasalubong ko at hindi ko naman kilala. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

"Close tayo?" tanong ko sa kanya at kaagad naman siyang lumayo.

"Ahahahahaha!"

"Ilan ang nahuli mo? Hahaha!"

"Ano ba 'yan Liam? Huwag mong halikan 'yang lupa! Hahaha!"

"Siguro, hindi ka pinahahalik ng girlfriend mong amazona no?"

"Poor Liam, sa akin ka na lang kasi."

Nagpanting ang tainga ko sa aking mga naririnig. Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong nagsisimula na ngang bumangon mula sa lupa ang boyfriend kong tatanga-tanga at hindi magkada-ugaga sa pagdampot ng mga nalaglag na books at bag ko!

"Hoy, gusto niyo bang putulin ko 'yang mga dila niyo?!" sigaw ko sa mga haliparot na 'to. Mabilis naman silang nag-alisan at si Liam ay kaagad kong nilapitan.

"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daanan?! Bulag ka ba?!" sigaw ko sa kanya. Yumuko lang naman siya at hindi makatingin sa akin. Buhat na niyang muli ang mga nalaglag na libro.

Kinuha ko ang aking panyo sa bulsa ng aking palda at pinunasan ang mga dumi-dumi niya sa kanyang uniform. Ganoon din sa kanyang braso at...

"Hinalikan mo talaga 'yong lupa?!" sigaw kong muli sa kanya nang makita ko ang mga dumi sa kanyang ilong at nguso! Napanganga ako at hindi makapaniwala sa kanya! D'yos ko naman!

Lalo pa siyang nagpakatungo-tungo. Hindi niya mapunasan ito dahil nakahawak ang dalawa niyang kamay sa mga librong napakarami. Kaya ako na ang siyang nagpunas pero mas lalo pa siyang tumungo. Iniinis talaga ako ng lalaking 'to!

"Huwag kang tumungo! Paano ko ba 'yan mapupunasan?!" sigaw kong muli sa kanya. Nakakainis!

Hinila ko ang baba niya at ini-angat. Mas lumapit ako sa kanya upang makita ko ito ng mabuti. Napansin ko naman ang paglikot ng kanyang mga mata at hindi malaman kung saan titingin na tila na-ilang sa aking ginagawa.

Wala sa sariling napatitig ako sa kanyang mga labing natural na mapupula habang ito ay aking pinupunasan. Nakakainis, mas mapula pa 'to kaysa sa labi ko! Parang ang sarap tuloy kagatin. Shit!

Bago ko pa magawa ang nasa isip ko ay lumayo na ako.

"Tara na nga!" yaya ko sa kanya at kaagad ko siyang tinalikuran. 

My Innocent Boyfriend [PUBLISHED ON DREAME]Where stories live. Discover now