CHAPTER 4 Unparalleled Beauty

5.6K 218 13
                                    

Pagdating namin sa gate ng mansion ay kaagad akong bumaba ng kanyang motorsiklo. Tinanggal ko ang helmet at ini-abot ito sa kanya.

'Yong jacket? Hmp! Akin na lang muna. Ang bango kasi eh.

"Pasok ka muna ha," sabi ko sa kanya at agad akong lumapit sa gate naming napakataas at nag-doorbell.

Sumilip sa maliit na hole si Kuya Pedo. Segundo lang ang lumipas ay kaagad ding bumukas ang gate. Muli akong lumapit kay Liam.

"Let's go boyfie!"

"H-hindi na," sabi nya at akmang isusuot na muli ang helmet pero mabilis ko itong inagaw.

"Hindi p'wede! Magtataka sila kung sinong naghatid sa'kin, kaya halika na. Ipapakilala kitang boyfriend ko." Hinawakan ko siya sa braso at hinila.

Napanganga naman siya sa akin at parang hindi alam ang gagawin. "A-ah, ehh. N-nakakahiya." Kakamot-kamot pa siya sa kanyang ulo.

Napahinto naman ako.
"Anong nakakahiya? Kinahihiya mo ba 'ko? Sige break na tayo." Binitawan ko siya at tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hilahin pabalik sa kanya.

Napasubsob na naman ako sa dibdib niya. Ang tigas talaga!

"No!" Nagulat ako sa kanyang pagsigaw pero kaagad ding napangisi at tinaasan ko siya ng kilay. Takot talaga 'tong ma-break.

Natawa na lang ako sa isipan ko.

"Oh, eh ano pang ginagawa mo d'yan? Baba na!" pasinghal kong sabi sa kanya. Nagmadali naman siyang bumaba ng motor.

"Umakbay ka sa'kin," utos ko pero inilagay niya lang sa kanyang likuran ang kanyang mga kamay.

"Hindi ka aakbay?" pananakot ko sa kanya kaya mabilis naman siyang umakbay sa akin.

Napangisi ako at taas noong naglakad papasok ng mansiyon.

"Kuya! You're here!" Nagulat ako nang madatnan ko si Kuya Nick ang isa sa kambal kong Kuya na pababa ng hagdan.

Nagulat ako dahil bihira lang siyang umuwi dito. Busy kasi 'yan palagi sa trabaho niya.

"Baby." Ngumiti siya sa akin at sinalubong ako ng yakap at halik sa noo. Naramdaman ko naman ang pagbitaw sa akin ni Liam.

Napalingon naman si Kuya Nick kay Liam at doon nawala ang maganda niyang ngiti. Nangunot ang kanyang noo.

"Ahh Kuya, siya nga pala si Liam, ang  boyfriend ko," sabi ko at bumaling naman ako kay Liam. "Boyfie, siya naman si Kuya Nick Jonas at may kambal siyang si Kuya Rick Jonas."

"Hi," mahinang tugon niya at habang nakayuko.

"What brought you here?" tanong ni Kuya kay Liam na ikinanganga ko. Hindi naman nakasagot si Liam.

"Hinatid niya 'ko Kuya. Ang girlfriend, talagang hinahatid sa bahay. Ano bang gusto mo, sa school lang kami magkita? At saka gusto ko nga siyang ipakilala sa inyo eh kaya ko nga siya isinama."

"How old are you?" tanong ni Kuya kay Liam at hindi pinansin ang sinabi ko.

Huh? Bakit naman 'yon ang tanong eh siyempre magka-edad lang kami. Magkaklase kami eh. Seventeen at next year ay dalaga na ako.

Hindi pa rin naka-imik si Liam. Nanatili lang siyang nakayuko ang ulo at napansin ko ang pagtaas-baba ng kanyang adams apple. Kinakabahan ba siya?

"Kuya, huwag mo ngang tinatakot ang boyfriend ko! Halika na nga boyfie." Hinila ko na siya pero muling nagsalita si Kuya Nick.

"I'm just asking if he's really true to you and he has no secrets to keep from you." Pansin ko ang naglalarong ngiti sa mga labi ni Kuya Nick habang na kay Liam pa rin ang kanyang paningin.

Napahinto naman ako at napalingon kay Liam. Nakatungo pa rin naman siya.

"Ano bang sinasabi mo Kuya?" tanong kong muli kay Kuya Nick.

"Nevermind, i'll go ahead. May kinuha lang ako." Nginitian niya lang ako at saka tunalikod at walang lingong lumabas ng mansion.

Binalingan ko si Liam na always nakatungo. Ano bang mayroon sa ibaba? Malapit na talaga akong makipagpalit sa lupa eh. Mukhang sa lupa siya nai-inlove eh. Hinalikan pa nga niya! Kainis! Dapat ako 'yon!

"Hayaan mo 'yon si Kuya, huwag mong intindihin 'yon. Halika na." At muli ko siyang hinila paakyat sa second floor ng mansion patungo sa aking silid.

Pagtapat namin sa pinto ng aking silid ay kaagad niya akong binitawan. Napalingon naman ako sa kanya habang binubuksan ko ang pinto.

"Bakit? Magpapalit lang ako." Muli kong kinuha ang kanyang kamay at hinila papasok ng silid.
"Upo ka lang d'yan ha." Hinatid ko siya hanggang sa aking kama at saka binitawan.

Napangiti naman ako nang umupo siya sa dulo ng kama habang inililibot niya ang kanyang paningin sa kabuuhan ng aking silid.

Ako naman ay tumungo na sa closet at kumuha ng pares ng pambahay. Isang short at isang sando at saka dumiretso sa banyo.

"D'yan ka lang ha! Huwag kang lalabas!" sigaw ko sa kanya habang nakatayo ako sa tapat ng pinto ng banyo.

Lumingon naman siya sa akin at bahagyang tumango. Masunurin talaga.

Mabilis akong nagpalit ng damit at kaagad din akong lumabas pero walang Liam na akong inabutang nakaupo sa kama.

Oh asan na 'yon? Sabi ko 'wag siyang aalis eh! Hayst!

Pero kaagad ko rin siyang natanaw sa labas ng aking silid at nakatambay sa balcony.

Nagpabango ako ng kaunti at nagpulbos ng bahagya ng aking pisngi. Siyempre, hindi ako naligo eh. Mamaya na lang kasi two hours bago ako matapos kung maliligo pa 'ko.

Kaagad kong pinuntahan sa balcony si Liam. "Done na ko, halika na boyfie. Mag-snack tayo sa baba." Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang uniform at hinila.

Napalingon naman siya sa akin at pansin ko siyang natigilan. Nginitian ko siya pero nanatili siyang nakatitig sa akin habang napapanganga. Alam ko namang maganda ako pero huwag naman masyadong obvious no?

Pinitik ko ang dalawa kong daliri sa harapan ng kanyang mukha. Mukha na kasi siyang estatwa eh.

Natauhan naman siya at napayukong muli. "S-sorry," sabi niya.

"Bakit ka naman nagso-sorry?" Hinawakan ko ang baba niya at ini-angat para magtagpo ang aming mga paningin.

Iba talaga ang hatid ng mga titig niya sa akin. Para akong nalulusaw!

"I c-can't help but...stare at you. Your beauty is unparalleled."

My Innocent Boyfriend [PUBLISHED ON DREAME]Where stories live. Discover now