CHAPTER 1 Gaze

8K 224 17
                                    

NIRICKA's POV

"Psst." Hindi ako pinansin.

"Psst," sitsit kong muli sa kaniya. Isang dipa kasi ang layo ko sa boyfriend kong nagbibingi-bingihan.

Exam namin ngayon at nakalimutan kong mag-aral kagabi. Eh kasi naman nag-stalk ako sa fb account ni Howard kagabi, ganoon din sa instagram kaya nawala sa isip ko na may quiz pala kami today!

Itong boyfriend ko naman ay ayaw magpakopya!

Tumingin akong muli sa unahan at sakto naman na nakatalikod si Mrs. Padama ang prof namin.

"Psst!" medyo nilakasan ko na. "Break na tayo?" patanong kong bulong sa kaniya at wala pang minutong ini-abot niya sa akin ang scratch paper. Napangisi naman ako. Takot din namang ma-break. Hihihi.

Natapos ang exam namin at dalawa lang ang mali ko! Hihihi. Pero bakit hindi na lang perfect?! Nakakainis ang lalaking ito! Minali pa 'yong dalawa!

Top 1 lagi siya sa klase. Hindi ko nga alam kung bakit narito ito sa fifth section eh. Dapat nasa first section siya kasi ang average niya ay nakikipagtagisan ng laban sa mga section one.

Kailan ko lang din natandaan na since grade eight ko pa pala siya classmate! Hindi ko lang talaga siya napapansin noon dahil nakatuon lagi ang atensyon ko kay Howard. At kung hindi pa siya binully-bully nila Howard ay hindi ko pa rin siya mapapansin.

"Halika na, ang bagal!" pasinghal kong yaya sa kaniya habang ako ay naririto na sa pinto at siya naman ay nag-a-ayos pa rin ng mga gamit niya.

"Una na ko bhe, ma-o-op lang ako eh. Kila Katrine at bakla na lang ako sasabay," sabi ni bff Colleen na dumaan lang sa harapan ko at saka lumabas.

"Sige bhe, ang bagal kasi ng isang ito eh. Iwanan ko na kaya 'to?" sagot ko kay Colleen sa tinig na nayayamot.

"Haha. Baka umiyak 'yan. Una na kami," sabi naman ni Katrine habang natatawa.

Nakita kong palapit na si Liam kaya sinalubong ko na siya kaagad at hinila para mabilis. Pinag-intertwined ko ang aming mga kamay habang naglalakad na kami sa corridor.

Nasa first floor pa ang cafeteria namin at sa kabilang building pa 'yon kaya matagal-tagal pa bago kami makakarating doon.

Madadaanan namin ang room nila Howard na nasa first section. Matalino din kasi si Howard at kung magtatagisan ng talino si Howard at Liam? Ewan ko lang kung sino ang mananalo.

Sumimple ako ng sulyap sa loob ng room nila at nandoon pa rin siya habang pinalilibutan ng mga babae. Napayuko na lang ako at bumitaw sa pagkakahawak ko kay Liam. Binilisan kong maglakad at nauna na akong bumaba ng hagdan.

Nakalabas na ako ng building nang maramdaman kong walang nakasunod sa akin. Huminto ako at lumingon sa aking likuran pero...

Huh? Asan na 'yon?

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko makita ang boyfriend kong mabagal!

Sa kakalinga ko ay nakita ko rin siya sa second floor ng building na aming pinanggalingan o pinanggalingan ko dahil naiwan pa siya doon eh at ako palang ang nakakalabas!

Teka, may kausap siyang babae? Sino ang babae yon?!

Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa gawi ko ang babae pero alam kong babae dahil mahaba ang buhok niyang nakapusod at pangbabaeng uniform ang suot!

Napabalik ako ng mabilis. Tumalikod lang ako saglit, may lumandi na agad sa kaniya!?

Paakyat na sana ako ng hagdan nang matanaw ko siya sa itaas at nagsisimula ng bumaba ng hagdan ng mag-isa.

Asan na 'yong babaeng 'yon?!

Luminga-linga ako sa kanyang likuran pero hundi ko na makita pa ang malanding babae! Sinamaan ko ng tingin si Liam. At gaya pa rin ng dati, nakayuko pa rin siya at hindi makatingin sa akin ng diretso.

Nang makalapit siya sa akin ay kaagad ko siyang sinigawan, "Nakita ko 'yon! Sino 'yon?! Sino 'yong babaeng yon?!" Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Puno ng galit ang aking dibdib!

Bihira niya lang akong kausapin dahil hindi naman talaga siya pala-imik at 'yong way ng pakikipag-usap niya doon sa babae kanina ay hindi gaya ng pakikipag-usap niya sa akin!

Diretso ang paningin niya doon sa babae habang nakikita kong bumubuka ang kanyang bibig at may sinasabi. Hindi ko naman iyon maririnig dahil narito ako sa ibaba. At para bang matagal na silang magkakilala!

Pero kapag ako ang kasama niya ay palagi siyang nakatungo at hindi ako kinakausap. Pangit ba ako kaya ayaw niya akong tingnan?!

"Sumagot ka!" sigaw kong muli sa kaniya. Wala akong pakialam kung maraming nakakarinig sa akin.

"W-wala," sagot niya at lalampasan na sana ako ng hilahin ko siyang muli. Aba't lalampasan lang talaga ako?!

"Anong wala? Anong tingin mo sa'kin bulag?!" sigaw ko sa kanya at hindi ko mapigilan ang manggigil sa galit.

"M-may tinanong lang," sagot niya sa mahinang tinig habang nakayuko.

Sisigawan ko pa sana siyang muli nang matanaw ko sa hagdan sila Howard at pababa na sila kasama ang mga girls. Hmp!

Hinila ko na lang muli si Liam at pinag-intertwined ang aming mga daliri.

"Saan tayo mamaya babe?"

"Baka naman malasing ka na naman ha at kung ano-ano na namang magawa mo sa'min."

"Doon na lang tayo sa dati."

"Kasama mo ba 'yong mga tropa mo?"

"Ang bango-bango mo naman honey."

"Oo nga baby, ang sarap mong kagatin."

"Mamaya ipakita mo ulit sa'min 'yan ha."

"Oo nga. Ang sarap kasing paglaruan eh. Biglang tumatayo."

"Mamaya, kayong lahat ang kakagatin ko."

Wala sa sariling napahigpit ang pagkakakapit ko sa mga kamay ni Liam dahil sa mga nakakasukang naririnig ko sa grupong nasa aming likuran.

Hihilahin ko na sana si Liam para bumilis kami sa paglalakad nang may marinig na naman ako.

"Baby, di ba siya 'yong girlfriend mo?"

"Ex," rinig kong sagot ni Howard.

"Ay, oo nga pala no. Kawawa naman siya."

"Pero may boyfriend na agad siya. Easy to get talaga. MyG!

"Oo nga, ang bilis niyang magpalit ha. Hindi katulad naming loyal lang sa'yo. Yiiieehh."

Nagpanting ang tainga ko sa mga naririnig ko sa kanila. Haharapin ko na sana sila nang humigpit ang pagkakakapit sa akin ni Liam.

Napalingon ako sa kaniya at sisigawan na sana siya. Bakit ba niya ako pinipigilan? Natatakot ba siya? Kalalaki niyang tao, duwag!

Pero ang lahat ng iyan ay hindi lumabas sa aking bibig. Natigilan ako at tila nanghina ang aking mga tuhod dahil sa taimtim niyang pagtitig sa akin.

"Let's go." Siya na ang humila sa akin patungong canteen, samantalang ako ay natatameme at hindi na nakaimik.



My Innocent Boyfriend [PUBLISHED ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon