CHAPTER 3 Ducati

5.8K 213 24
                                    


"Beshy, si Howard dadaan," bulong sa aking tainga ni Colleen na nasa kanan kong bahagi.

Kanina ko pa napapansin ang pagtanaw niya sa pinto. Malapit ko na ngang isipin na may gusto siya kay Howard eh.

Pasimple din naman akong sumulyap sa bintana at segundo lang ay dumaan nga si Howard habang nakatitig sa akin sabay kindat. OM-! Kikiligin na sana ako nang may biglang humarang sa bintana. B'wisit naman oh!

"Liam!" sigaw ko nang makilala ko na ang taong gumawa niyon.

Pero imbis na matakot siya sa galit kong tinig ay hindi niya ako pinansin. Nanatali lang siyang nakatayo sa tapat ng bintana habang kunwari ay nagpupunas ng salamin gamit lang ang tinupi-tuping papel.

"Liam, didn't you hear me?! Umalis ka nga d'yan!" Lumingon naman siya sa akin ng may pagtatanong.

"Ano bang ginagawa mo d'yan?! Umalis ka dyan!"

"Baka mag-aapply janitor besh," natatawang sabi naman ng timang kong bestfriend. Narinig ito ng iba kaya nagtawanan din sila.

Hindi ko sila pinansin. Kaagad akong tumayo at nilapitan si Liam na ayaw umalis sa tabi ng bintana. Baka nakaalis na si Howard!

"Lia-" naputol ang aking sasabihin nang makita kong naririto pa pala si Howard at nakikipagsukatan ng titig kay Liam.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Halos mangawit ang aking leeg sa pagtingala dahil sa halos magpantay lang naman sila ng taas!

Maya-maya ay bigla na lang ngumisi si Howard kay Liam. Si Liam naman ay walang naging reaction.

"Can i request?" Lumingon siya sa akin at ngayon ay napalitan na ng napakagandang ngiti ang kanina lang ay mala-demonyo niyang ngisi.

"A-ano 'yon?" Hindi ko napigilan ang mautal at mukhang ikinatuwa iyon ni Howard.

"Can you be my date for the upcoming acquaintance party?" Napanganga ako at napatitig sa kanya ng matagal.

Bakit naman naisip pa niyang yayain akong maging date niya sa acquaintance party, eh 'di ba wala na kami?

Mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti nang hindi kaagad ako nakasagot. "Silence means yes. See you at the party baby."

Natulala na lang ako hanggang sa tumalikod na siya at mawala sa aking paningin.

"Beshy, ano pang ginagawa mo d'yan? And'yan na si Prof." Doon lang ako natauhan.

Napalingon ako sa aking tabi pero wala na doon si Liam at prente na siyang nakaupo sa kanyang upuan habang nakayuko ang kanyang ulo sa harapan ng mga libro niyang nagpatong-patong sa ibabaw ng kanyang desk.

Pero omg! Niyaya ako ni Howard na maging date niya! Anong ibig sabihin n'yon?! Makikipagbalikan na ba siya?!

Kaya ang nangyari ay buong klase akong tulala.

***
"Hoy besh, anong sinabi ni Howard?" Tsismosa talaga 'tong bestfriend ko eh.

Naririto na kami sa corridor at hinihintay ko na lang si Liam na mahinhin na nasa loob pa ng classroom at nag-aayos pa ng kanyang mga gamit.

"Owemji! Beshy! Niyaya niya 'ko ng date sa party natin next week! Anong gagawin ko?! Anong gagawin k-aray!" Kilig na kilig ako habang itinatapik-tapik ko ang dalawa kong palad sa magkabila kong pisngi na tila nananaginip ako pero bigla akong dinagukan ng napakabait kong bestfriend!

My Innocent Boyfriend [PUBLISHED ON DREAME]Where stories live. Discover now