Chapter 3: KOINOYOKAN

1.7K 70 5
                                    

Jema

It's Saturday morning and my flight is 3 am. Since 4-5 hours ang byahe papuntang Japan, sa plane na ako magbibreakfast.

8 am na din ako nakarating sa hotel, dun na kasi kami magkikita ni Pongs. She's meeting her cousin daw ngayong umaga kaya hindi nya ako nasundo sa airport.

"Hoo! Nakakapagod ang byahe kahit nakaupo lang naman ako don. Pongs, magpapahinga muna ako. Maaga pa naman, mamaya ko na aayusin yang gamit ko." Sabi ko agad kay Ponggay pagkapasok ko ng room namin.

"Okidokie! Aalis na rin ako para maaga ako makabalik mamaya. Sabay na tayo maglunch." saktong paalis na din pala sya pagdating ko.

"Gisingin mo na lang ako, please. Sumakit ulo ko sa byahe eh. Byeee. Ingat ka." I said tas nahiga na ako sa katabing kama.

---

"Mumsh! Gising naaa! Gutom na ako. 11 am na oh." Nararamdaman ko na lang na may yumuyugyog sa braso ko.

"Hmmm. 5 mins." Pikit kong sabi at nagtaklubong ng kumot. Ang sakit kasi talaga ng ulo ko.

"Okay. Balikan kita after 5 minutes. Magaayos lang ako." then narinig ko na lang na may nagbukas na pinto. Pumasok na siguro sya sa CR.

After 516233 years...

*BOOOOGSSSHHH*

Binato ako na ng unan si Pauline! Sapul sa mukha. Solid attack from Ponggay Gaston! Masakit yon ha!

"Babaita, bilisan mo na dyan! Gutom na talaga ako. Antayin kita na lang kita sa lobby. Haha." Sabay takbo palabas dahil alam nyang gagantihan ko sya. Kainis!

Pumasok na lang agad akong CR para makaligo at baka mawala na rin ang sakit maya maya.

Pagkatapos ko maligo lumabas na din ako, baka naiinip na si Ponggay Gaston at para magantihan ko na din sya. Habang hinihintay bumukas ang pinto ng lift ay nagpatugtog muna ako at pakanta kanta pa. Haha

🎶🎶 I might lose my mind
Waking when the sun's down
Riding all these highs
Waiting for the comedown
Walk these streets with me
I'm doing decently
Just glad that I can breathe, yeah

I'm trying to realise
It's alright to not be fine on your own

Now I'm shaking, drinking all this coffee
These last few weeks have been exhausting
I'm lost in my imagination
And there's one thing that I need from you

Can you come through, through
Through, yeah
And there's one thing that I need from you
Can you come through? 🎶🎶

Natigil lang ang pagkanta ng magvideo call si Jho sa GC naming apat. Nakalimutan ko palang i-message sya kanina pagkarating kong hotel.

"Hello, mumsh. Nasa hotel na ako. Nakalimutan kong i-message ka kanina dahil ang sakit ng ulo ko. Kumusta dyan?" bungad ko sa kanya.

"Hello, okay lang, gurl. Okay naman dito. Wag ka na mag alala. 2 days ka lang naman dyan. Alam na ng mga sous chefs mo ang gagawin nila kaya mag-relax ka lang dyan. Akong bahala. Wala ba kayong tiwala sakin? Grabe ha. Haha." sabi naman nya.

"Hi, Jhowjhow! I miss youuu!" Sabi ni Pongs pagkasagot nya sa tawag. "Hoy, Jemalyn! Ang tagal mo naman. Gutom na akooo. Daliiii!" dugtong pa nya.

Sakto din namang bukas ng pinto ng lift kaya pumasok na ako.

"Baliw ka, Jho! Syempre, tiwalang tiwala kami sa'yo. Pero basta pag may problema ka dyan, message mo agad kami ha. Haha. At ikaw naman Pauline Gaston, malapit na ako. Makahintay ka nga! May kasalanan ka pa sakin ha!" At ang bruha tinawanan lang ako.

Kismet ❤Where stories live. Discover now