Chapter 12: FRIENDS?

1.5K 83 19
                                    

Jema.

*BOOGSH*

Oh, fudge! Lumabas kami para tingnan kung ano bang nangyayari and to my surprise... it's Deanna! Lasing na sya agad? Muntik na syang matumba buti na lang at nakasandal sya sa isang kahoy at yun ang natumba.

"Pa! Deanna! Anong nangyayari?" tanong ko agad pagkalabas namin ng bahay.

"Oh, there you are, bellisima. Hi... hik... hihihi... Bat ganito... hik... lasa ng tubig sa inyo?... hik.... Kakaiba, lasang alak pa rin. hihihi" she said, sabay ub-ob sa mesa. Nakatulog na ata. Oh, God. she's drunk.

"Pa, bat nalasing agad 'to? Ano po bang pinainom nyo?"

"Anak, ginawa nyang chaser ang lambanog. Haha. Akala ko normal lang yun sa kanya. Hindi naman nagrereklamo eh. Pagkatapos tumayo agad at pupunta raw sayo kaya hindi namin pinigilan. Tapos ayan na. Hahahaha" ika naman ni Papa. Hay nako.

"Hija, mahina naman pala sa inuman yang kaibigan mo. Nako, nako. Hindi papasa yan sa angkan natin." sabi naman ni Tito.

"Tito, kayo talaga. Kung ano ano pong sinasabi nyo."

"Ha? Bakit? Hindi mo ba kasintahan yan? Akala ko eh kasintahan mo at madalang ka naman magdala ng kaibigan dito. HAHA. Kuya Jessie, okay lang ba yan sa'yo?" baling naman nyang tanong kay Papa

"Nako, 'tol. Walang kaso sa'kin kung ano pa o sino pa man ang gusto ng anak ko. Ang importante lang ay mahal sya at aalagaan sya." sabi naman ni Papa at sabay sabay silang nagkantyawan.

"Jessie, tama na nga muna 'yang inom nyo. Napaparami ka na. Alam mo namang masama sa'yo masobrahan. Magpahinga na kayo at gabi na din." singit ni Mama sa kantyawan nila at agad naman nagsisunod

"Doon mo na patulugin sa kwarto mo Jema 'yang kasama mo. Bukas ko na kakausapin. Mafe, tulungan mo ang ate mo." dugtong pa nya.

"Opo, Ma." sabay naman naming sabi ni Mafe.

Tinulungan nga ako ni Mafe na akayin si Deanna sa kwarto ko. Buti na lang at maayos ang kwarto ko, dun na lang ako matutulog sa kwarto ni Mafe.

"Ate, sino ba sya? Saka ba't mo sya kasama dito sa bahay? Parang ngayon ko lang sya nakita." sabi ni Mafe pagkahiga namin kay Deanna sa kama.

"Doon ko na lang sa kwarto mo iku-kwento lahat. Tara na, namiss din kitang ka-kwentuhan." sagot ko naman sa kanya.

Nang maayos namin si Deanna ay hinila ko na agad si Mafe papuntang kwarto nya at napapagod din ako.

Kinwento ko nga lahat kay Mafe simula ng magkita kami sa Japan hanggang sa nangyari ngayong araw. Pati yung sitwasyon namin ni Johnvic sinabi ko din.

"Grabe naman sya, Ate. Ang sarap bombahin nung Johnvic na 'yon! Ang kapal ng mukha nya ha! Pero maiba ako, Ate. Parang sobrang bait naman ni Ate Deanna para gawin lahat yon. Baka naman may gusto talaga sa'yo yon! Yieee!!! Kinikilig na agad ako!" sabi nya na may kasama pang pagtili na akala mo'y uod na inaasinan.

"wag kang mag-assume agad. At saka mabait lang talaga yung tao. Wala naman masama makipag-kaibigan at mabait naman pamilya nya." sabi ko na lang

Saglit kaming natahimik kaya akala ko tulog na sya at patulog na din sana ako pero nagsalita sya ulit.

"Pero, Ate, kung sakaling totoong manligaw, may chance naman ba?"

Hindi ako kumikibo. Hindi ko alam isasagot ko. Oo? Hindi? Paano ko ba malalaman? Mabait sya, oo. Pero hindi ko pa naman sya kilalang kilala.

Kismet ❤Where stories live. Discover now