Chapter 13: Pagtingin

1.5K 69 34
                                    

"dami pang gustong sabihin
ngunit 'wag na lang muna."

-

It's 8 in the morning and we're on our way na to palengke. Gamit namin yung sasakyan ni Papa. Naka-owner type jeep kami. Kumbaga samin eh oner ang tawag. Sabi nya kasi sa palengke lang naman daw kami pupunta eh bakit magkokotse pa.

Deanna as the driver at julalay daw, tapos si Mafe naman nasa likod. Nagulat nga ako na pumayag si Deanna kasi hindi sya sanay sa ganung sasakyan. Sabi nya lang dagdag sa bucketlist nya na "try new things" kuno. Kaya hinayaan ko na.

Nagkkwentuhan lang sila habang ako tahimik lang na nakikinig. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung kanina. Bat ganon yung puso ko?

"Ate, huy! Okay ka lang ba? Tahimik mo." tawag sakin ni Mafe. Kanina pa pala ako tulala. I just nodded.

Worried naman na tumingin sakin si Deanna. Nginitian ko lang sya. Maya maya ay nasa palengke na kami.

"Ate Deanna, sure ka bang gusto mo sumama sa loob? Pwede ka naman maghintay na lang dito sa sasakyan kung hindi ka comfortable." sabi ulit ni Mafe pagkababa namin ng oner.

"Okay lang, Mafe. Kailangan ko din matutunan talaga 'to. Haha. Alam mo na for the future." Deanna answered at aba may pag-wink pa. Nauuna pa sya maglakad sa amin at tinitingnan yung iba't ibang stalls na parang bata na naghahanap ng ipapabili. Cute. Haha.

"Uy si Ateee... inloooove... HAHAHAHA." sabi ni Mafe kaya napalingon ako sa kanya with my eyebrows creased. Di ko naman kasi ma-gets sinasabi nya.

"Ha?! Anong sinasabi mo dyan, Maria Fe?! Baka marinig ka ni Deanna!" sabi ko sa kanya na pabulong. eh bat parang tunog defensive agad, Jemalyn?!

"Eh kasi naman, Ate, ngiting ngiti ka dyan. Wala naman nakakatuwa. Bat ka ba nakangiti kay Ate Deanna ha?" usisa naman nya. Hindi ko nga namalayan na nakangiti ako eh

"H-ha? Ah... eh... a-ang cute lang kasi nya. Tingnan mo oh. Parang bata na naghahanap ng ipapabili." namula ata ako sa sinagot ko. Lumingon naman si Deanna sa amin na nakangiti at walang kamalay malay na pinag uusapan namin sya.

"Suuus. Kaya naman pala. Eh kaninang umaga bat parang ang saya saya mo din nung lumabas ka ng pinto? Kakatukin ko sana kayo kasi nagpapagising si Ate Deanna sakin. Pagpasok ko naman sa kwarto nyo, nasa CR na sya." sabi nya at naalala ko na naman tuloy yung nangyari kanina paggising ko...

- flashback -

Hmmm... ang bango namaaan. Parang hindi naman ganito amoy ng unan ko. Kaya napakunot ako ng noo. Minulat ang mga mata ko at nagulat sa pwesto ko.

Katabi ko nga pala si Deanna at teka lang, nakayakap ako sa kanya at nakaunan sa dibdib nya. Shit. Kaya pala iba amoy. Ang bango. Ay, wait! Bat yun nasa isip ko? Anong oras na ba?

Tiningnan ko kung anong oras na at 6 am pa lang naman. Aalis naman dapat ako kaso niyakap nya ako mahigpit.

"Love, few more minutes." sabi nya na nakapikit. Nananaginip ata. Ilang saglit pa at mukhang mahimbing na ulit ang tulog nya. Hindi na ako nakaalis sa tindi ng yakap.

It gave me some time to look at her. Aside from being cute, masasabi kong may pagka-Papi sya. Alam nyo yung magandang gwapo? Ganon. Tapos baby face pa. Hay.

Nasa ganung state ako ng bigla syang ngumiti at mumulat.

"Good morning, Bellisima." she said with a hoarse voice. Ang sexy naman non 😳

"G-good m-morning." yun lang ang nasabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya at nakangiti?! lub... dub... lub... dub... lub... dub... Nahihibang na ba ako?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kismet ❤Where stories live. Discover now