CHAPTER SEVEN

3.5K 62 2
                                    

I am not expecting him to go here early. Like I said, minsan umaabot ako ng 12 hours dito and pitong oras palang ang nakalipas.

"Let's eat." Aniya.

Ano? Parang nung mga nakaraan lang halos wala siyang paki alam sa akin tapos mangyaya siya? Ano 'yon? Lokohan?

"Mamaya nalang. Kung gusto mo mauna kan na. Hindi pa ako tapos." Sabi ko at umiwas ng tingin.

He sighed and put his hands on his waist. "I am not doing this because I want to. We are going to talk about a new deal."

Gulat akong napalingon sa kanya at ilang sandali pa ay yumuko ako.

Kapal ng mukha ko magassume na nagiging maayos na kahit pa paano ang relationship namin. 'yun pala may kailangan lang.

"O-okay, Mag papaalam lang ako kay uncle." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Tumalikod na ako at tinahak ang daan patungong office ni uncle.

Napahiya ako dun kahit wala namang nagyari. Pagkatapos ng mga naiisip ko tungkol sa kanya, nakakahiya talaga. Hindi dapat ako nagiisip o nakakaramdam ng ganon. Ikakasal kami kasi kailangan at kami ang nangangailangan. Kailangan namin magkaroon ng proper relationship para sa future na mangyayari.

Bobo ko para maniwala sa lahat ng iyon.

Pagkarating ko sa office ni uncle ay nagpaalam akong kakain na muna at dali dali na rin siyang pumayag dahil hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga.

"Sinong kasama mo kumain?" Tanong ni uncle habang nagaayos siya ng mga records ng pasyente.

"Si Eifah po. Eifah Yeredov." Sambit ko ng mahina. Agaran namang nag angat ng tingin si uncle sa akin at tumingin ng nagaalala

Bakit ba sila nakatingin ng ganyan? Kaya ko naman sarili ko.

"Magingat kayo.." Yun nalamang ang naisambit ni uncle. Alam kong may gusto pa siyang itanong sa akin ngunit tinago nalang niya sa kanyang sarili.

"Babalik po ako, uncle." Paalam ko bago ko buksan ang pintuan.

Pagkalabas ko ay walang gana akong dumiretso sa parking lot ng hospital.

Ngunit na realize ko rin na hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Masyado akong nagoover think kanina, nakalimutan kong hindi nga pala kami ganon magkakilala para malaman ang pwedeng gawin.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ngunit naalala ko ring hindi ko na save ang number niya na binigay ng secretary niya.

Balak ko na sanang bumalik nalang sa hospital nang pagkalingon ko ay nandon siya, ka lalabas lang ng hospital.

Mainit siguro kaya sa loob nalang siya naghintay at nagkasalisihan kami.

Naglakad siya papunta sa akin habang ang kanyang kanang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa.

At nang nasa harapan na niya ako ay nilagpasan niya ako at dumeretso siya sa naka paradang sasakyan niya.

Hindi ko nalang pinansin at sumunod sa kanya.

"Where do you want to eat?" He asked habang ako ay nakatingin sa labas ng bintana.

"Sa malapit lang, para mabilis akong makabalik sa trabaho." Ani ko at pinaandar na niya ang kanyang sasakyan papunta sa pinakamalapit na restaurant.

Sa Doc fins seafood restaurant huminto ang kanyang sasakyan.

I'm not expecting him to eat here kahit na ito ang pinakamalapit. Eating seafood is kinda messy kaya i didn't expect na dito talaga.

Me and my co-workers likes to eat seafood kaya laking tuwa namin na merong malapit na seafood restaurant dito. Even uncle loves seafood. Kaso nahinto na siya sa pagsama niya kumain dito because of his health.

"H-huwag na dito. Sa next restaurant nalang. Yung may steak.." Suggest ko.

He nodded ang maneuvered his car to the next restaurant na nagtitinda ng mga meat steaks.

The car stopped in front of a restaurant. He turned off the car and we get out of it. Nauna na akong bumaba ng sasakyan at nagpareserve na ng table for two.

Pagkaupo ko ay siya namang pagpasok niya sa loob ng restaurant. Hinanap ng mga mata niya ang pwesto ko at nang tumapat na sa akin ay walang emosyon siyang lumapit sa akin pero 'yung kabog ng puso ko? ang lakas.

I faked a cough nung pagkaupo niya at pinulot ang menu para ma distract ako.

Kasasabi ko lang kanina na dapat ko na 'tong itigil ngunit paano? Hindi ko siya pwedeng iwasan dahil ikakasal na kami.

Kaya kahit anong gawin kong pagiwas. Wala akong choice kundi tanggapin ang mangyayari.

I was busy 'fake' reading nung ibinaba na niya ang menu na binabasa niya. Hindi pa talaga ako nakakapili ng makakain ko, I was watching what he is doing in my peripheral vision.

He raised his hand and a waiter rushed to us to get our order so I got back on scanning the menu to find what I want to eat.

Nakakatakot na at baka mag taka siya na ang tagal kong nakatingin sa menu pero wala pa rin akong mapili. Mag karoon pa siya ng idea na tinititigan ko siya, mapahiya pa ako ng sobra.

Nung nakapili na ako ng makakain dahan dahan kong binaba ang menu at tumingin sa kanya.

Pero laking gulat ko nung nakita ko siyang nakatingin sa akin sabay balik sa pag kakatingin sa menu habang kausap 'yung waiter.

Ano 'yon? Bakit siya naka tingin?

Tapos ay bigla siyang tumingin sa akin at tinanong kung anong oorderin ko.

"Uhm, Salisbury steak and.. water. Thank you." I said to him then look down after.

I kinda feel awkward staring back at him. His stare was so intense and bossy at hindi ko kaya tumingin ng matagal.

We ate for almost half an hour because the food is really delicious and hindi ako nakaramdam ng gutom kanina bago kumain, pero sobrang dami kong nakain nung nagumpisa ako kumain even though it's really awkward to eat in front of him but I managed it because I was so hungry.

Pinupunsan ko ang aking bibig nang umubo siya. Yung parang peke para lang makuha yung atensyon ko.

So, I looked up at him and waited for him to speak.

"After we get married, I want you to stay at my house and you'll stop working." He said.

Nanlaki ang aking mga mata ng bangitin niya na hindi na ako maari pang mag trabaho pagkatapos naming ikasal.

"A-anong sabi mo? Hindi mo pwedeng gawin iyon." Banggit ko nang may gigil sa bawat salita. Iniinis na naman niya ako. Kinokontrol na naman niya ako sa ayaw kong gawin.

Hindi niya kasi pwedeng gawin iyon. Mahal ko ang trabaho ko. Oo at magiging asawa na niya ako pero buhay ko pa rin ito.

He just looked at me nonchalantly, like everything I say won't matter to him because he rule.

Nagigting ang aking bagang sa sobrang galit. Kaya ko pa siyang tiisin nung mga una pero kung ito lang ang sasabihin niya, magagalit talaga ako.

"No. I won't resign. I will not give up my job. Let's cut off this marriage kung pipilitin mo ko na tumigil mag trabaho." I said with persistence in my voice.

He sighed, "Fine."

Wow, did he just surrendered? bakit bilis niya sumuko?

"Just no other guys." he added

That, made me froze. What the hell?

----

a/n: Hii sorry kasi hindi ako nakapag update for almost 3 or 4 weeks maybe. I'm facing a "demon" rn so I'm really sorry lmao and actually, I'm having fun reading Kimetsu no Yaiba Manga so i'm really sorry hehe

Vote this chapter if you had fun reading it! Thank you so much!

Chained Up [ ON - HOLD ]Where stories live. Discover now