CHAPTER TEN

2.3K 52 22
                                    

VIRUS BEGONE!!! sksksks

***

Many things bothered me. Katulad ng nalalapit naming "Arrange Marriage" ni Eifah. Up until now, I'm still in the verge of accepting it. Thinking of the possibilities na mangyayari sa future ko.. with him.

Am I choosing the right path? Makakabuti ba sa akin ang desisyon kong 'to?

No.. I don't have a choice, right? I'm doing this for the sake of Lolo. It doesn't matter if this is right, as long as I make the people around me happy.

This is just a small sacrifice..

"Let's have a date."

Napatingin ako sa katabi ko na nagd-drive. Pauwi na kami sa apartment kung saan ako nags-stay. Dala ni Laye ang kotse niya while 'yung sa akin ay iniwan ko since dala naman ni Laye ang sa kanya and now, I'm stuck with Eifah here.

"We're doing this to show off. To restore what you've lost. We need to show them that you're dating me and soon, we'll get married." Paliwanag niya habang kanyang tingin ay nasa kalsada pa rin.

Tumango nalang ako sa sinabi niya at  biglang tumunog ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text.

Hi! This is Erien, Nakuha ko number from Laye. Umuwi ka na pala, Keep safe! and.. congratulations.

"Who's that?" Napaangat ako nang tingin kay Eifah, his expression are dark. Nakakunot ang kanyang noo at magkadikit ang kilay. His jaw is clenching as well na para bang pinipigilan niyang maglash out.

"It's nothing.." I said para hindi na siya magtanong pa pero mukhang kabaliktaraan non ang nangyari.

"I said, who's that?" His jaw is clenching so hard, you could clearly see the veins in his neck.

"Fine, It's Erien. A friend of mine." I said and rolled my eyes out of frustration.

Hindi naman siya sumagot kaya nung silipin ko siya ay tahimik lang siyang nagmamaneho but his expressions are the same. Mukha pa rin siyang galit na akala mo ay handang sumabak sa gyera.

I was waiting an answer from him pero wala nang dumating, he silenced. Kaya napabuntong hiniga ako at sinubukan kong gawing light ang atmosphere namin dito sa loob ng kotse.

"So.. Kailan 'yung sinasabi mong date?" I tried my best not to sound awkward but he didn't answer me. Katulad kanina, hindi siya umiimik.

Anong problema nang isang ito? Edi kung hindi tuloy, edi hindi.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at makalipas ang ilang minutong katahimikan ay nakarating na rin kami sa apartment na tinutuluyan ko.

Dere-deretcho akong bumaba at 'di na pinansin 'yung naghatid sa akin. Tutal hindi naman siya namamansin, ang simpleng pagpapasalamat ko ay hindi niya rin tatapunan ng atensyon.

Pagkapasok ko ng building ay sumilip pa muna ako kung nakaalis na siya at ang lintik! Umalis nga kaagad!

Bahala siya basta matutulog ako at papasok pa ako sa trabaho bukas.

I could already see the sunrise from my room pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Argh! Dahil iyon sa lalaking iyon!

Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko nang tumunog ang cellphone ko.

Hello Ma'am Jina! Today po ang pictorial niyo for the upcoming wedding.

Nang mabasa ko iyon ay napa-buntong hiniga nalang ako. This is it, pancit. Ibig sabihin ay linggo nalang ang natitira sa akin.

NAGPAPATUYO AKO NG BUHOK nang makatanggap ako ng text mula sa isang unknown number.

I'll fetch you.

-Eifah

This is the first time na nakatanggap ako ng text from this man. Puro nalang kasi galing sa secretary niya. Pinapasa niya sa secretary niya tapos itetext ako.

And usually puro formal messages lang naman so no worries kung yung secretary niya nag me-message sa akin.

I replied "Okay." after ko masave number niya.

A familiar black car parked in front of me. Hindi na ako naghintay pa at pumasok na. I know this is Eifah's car. Ito 'yung ginamit niya kagabi.

Naalala ko na man 'yung galit ko kagabi! Teka, galit ba 'yun o tampo?

Saglit, saglit! Hindi naman ako 'yung nagtampo! Si Eifah 'yon! Matino ko siyang sinagot tapos magugulat nalang ako di na ako pinapansin. Daig mo pa babae, Eifah!

Nagiwas ako ng tingin nang sumulyap siya sa akin matapos paandarin ang kanyang sasakyan.

Nang makarating kami sa restaurant kung saan daw namin kikitain 'yung mga photographers ay nagbatian muna sila tapos ay inaya namin na kumain.

Diba pictorial para sa kasal ang gagawin namin? Bakit kami nasa restaurant?

"Our plan is take some candid photos of us instead na magtake ng formal.pictures." Sabi ni Eifah habang nakatinggin dun sa photographer at editor na nasa harapan namin.

Ako naman ay parang nakatanga na nakatitig sa kanya, wala akong maalala na nagplano kami ng ganon..

He glanced at me ng mapansin yung titig ko na sobrang confused and then nagexcuse me siya dalawang lalaki.

"Excuse us, I'll talk to my fiancee."

Matapos niyang sabihin 'yon ay buong atensiyon na siyang humarap sa akin.

"I'm planning to hit two birds with one stone." Monotonous niyang sabi.

I think, I get his idea.. Not bad, though. Napaka-witty talaga ng lalaking ito. Kung hindi lang moody, kahit papaano magkakasundo kami ng lalaking 'to.

"I want to take you on a date while they take pictures of us." Namula naman ako ng mabangit niya ang salitang 'date'. He's the type of guy na he doesn't need to ask a girl on a date dahil iharap lang niya mukha niya. Siguradong makukuha niya pa kahit na sinong babae.

Tumango nalang ako at hindi na sumagot pa. I get it, I like his idea.. Mas magmumukhang natural, kahit na purong arrange marriage lang ang dahilan nito.

"Don't mind them, just look at me. Only me."

***

A/n: Sorry maikli, hehe. Mag uupdate naman ako kaagad... siguro HAHAHAHAH

Support an amateur writer like me!

Chained Up [ ON - HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon