026

164 12 4
                                    

         ang sabi niya "i'll show you a real date" kaya heto naman ako at nag-assume

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

         ang sabi niya "i'll show you a real date" kaya heto naman ako at nag-assume. may pahawak kamay pa.

        nakatitig ako ngayon kay seungwoo at doon sa kahera ng one it. schoolmate rin pala namin iyong babaeng iyon. nahihiya pa iyong babae habang may sinasabi kay seungwoo na nakangiti at maya maya at tatawa.

     akala ko naman ako lang ang i-re"real date" niya. mukhang may iba pa pala na nakalinya.

    sanay na ako. sanay na ako. pero noong may binigay na letter iyong babae at binasa ni seungwoo habang nakangiti,i lost it. isang mapait na ngiti lamang ang nakayanan ko at umalis na.

    edi magpakasaya sila! wala naman akong pake! ano naman kung magjowa sila! bahala na nga siya kung saan siya sasaya.

   hindi ko mabura isip ko iyong nangyari kanina. eh ano naman kung may ibang nagpapasaya sa kanya!? at napatawa pa siya roon sa babae,huh?

   buti nalang din at wala si seungwoo ngayong lunch kaya mag-isa lamang akong kakain. mas mabuti na iyon. magsama sila noong kahera na iyon.

    habang naglalakad ay palinga-linga ako kung saan saan. bakit ko ba hinahanap iyong lalaking iyon.

" oh, baka itapon mo sa akin iyang kutsilyo mo. " napailag iyong lalaking kaharap ko noong ipinukpok ko ang kutsilyo sa mesa at padabog na kumain. kaharap ko ulit iyong kaibigan ni seungwoo na parang bakla.

" i'm..i'm sorry. " tahimik akong kumain.

" bakit ba galit na galit ka at gustong manakit? " napabuntong-hininga siya.

" two-timer pala iyon si seungwoo,ano? " napatawa siya roon ng malakas.

" baka naman kasi wala pang label. " tumaas iyong kilay niya. naaasar ako sa sinabi niya.

" so ang pinupunto mo is...? " mataray kong tanong sa kanya.

" sabihin mo sa kanya na gusto mo siya. " tapos na pala siya kumain. tumayo siya,bitbit ang tray, at umalis.

𝐕𝐄𝐍𝐔𝐒 ꧇ 𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐖𝐎𝐎Where stories live. Discover now