032

153 9 21
                                    

" magpalit ka muna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" magpalit ka muna. magkakasakit ka niyan,briar.  " nandito kami ngayon sa bahay ni seungwoo. malapit lang daw kasi bahay nila. tinakbo lang namin, buti nalang at may payong siya.

" sigurado ka bang dito ka muna?baka....hindi ka kumportable " he averted his gaze away from me. w-what? ipinroseso ko iyon sa aking utak.

   i never think like that! hindi sumagi sa isip ko ang kasimplehan ng kanyang bahay,kumpara sa aming mansyon. i just felt comfortable. it felt like...home.

    okyupado ang utak ko sa presensya niya kaya hindi ko na nagawang isipin kung gaano kaliit o kalaki ang tirahan niya. i just didn't care hangga't nandyan siya.

" wala akong pake! i'm...comfortable. " namumula akong nag-iwas ng tingin. what is this feeling?

   binigyan ako ni seungwoo ng damit upang makapagpalit. oversized na short at white shirt. nagbihis ako. nagawa ko pang umupo sa banig niya. he stared at me.

" what? " tinaasan ko siya ng kilay. i stretched my legs at nag-inat. maganda pala itong banig niya. i always see this on books at ngayon ay inuupuan ko na.

" wala lang. nag-eenjoy ka ba diyan? " ngumiti siya sa akin. i smiled at tumango, " oo naman. "

    maya maya ay tumila ang malakas na ulan. nilagay ko nalang sa isang plastic iyong basa kong uniform at nilagay ito sa bag ko. pwede na siguro akong umuwi.

" asikasuhin mo muna sarili mo. dito ka muna at baka magkasakit ka. " sabi ni seungwoo.

" sige,mamaya na ako aalis. " nagkibit balikat ako at pinuntahan siya. binigyan niya ako ng newspaper at ilagay daw sa likod ko.

" effective kasi ito kapag pawisan o basa kaysa sa tela. " iyon ang sabi niya. with his help naman ay nailagay ko iyon. nagtext na iyong driver at malapit na raw siya sa waiting shed kaya nagpaalam na ako kay seungwoo.

    he even insisted na ihatid ako hanggang bagay namin pero sinabi ko na sa waiting shed nalang ako ihatid. i got home safely at hindi ko mapigilan ang ngiti ko. kahit iyong driver namin ay napapasulyap sa akin maya't maya.

𝐕𝐄𝐍𝐔𝐒 ꧇ 𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐖𝐎𝐎Where stories live. Discover now