036

152 8 10
                                    

" hello briar! tara laro tayo! " tandang-tanda ko ang kanyang mukha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" hello briar! tara laro tayo! " tandang-tanda ko ang kanyang mukha. siya si cheska, kaibigan ko. iyong ibang bata kasi rito ay ayaw makipaglaro sa akin. mataray daw ako, masyado raw mapagmataas at kung ano ano pa. pero iba ang grupo ni cheska.

" ito,oh. may mga bago akong barbie dolls. ito ang sa inyo. laro tayo ! " iba ang grupo ni cheska. dahil mas matindi pa pala sila.

" yung wallet ko nawawala! nakita niyo po ba,mommy? " tanong ko sa aking ina.

" baka naiwan mo sa labas,briar. " nasa palda ko lang iyon pero biglang nawala.

" hay nako salamat! nakuha rin natin itong wallet ni briar. " hawak hawak ito ni cheska. nagtatago lamang ako ngayon sa likod ng puno. iyong iba ko pang kaibigan ay nagpalakpakan habang nakangiti.

" c-cheska? bakit hawak mo iyan? mahalaga iyan sa akin at alam mo iyon. " regalo kasi iyan sa akin ni papa noong mataas ang iskor ko sa exam. tuwang tuwa pa nga sila. nandyan din iyong paborito kong maliit na laruan at allowance.

" hindi mo man lang ba nahalata na kaya lang kami lumalapit sa iyo ay dahil sa kung anong meron ka? ngayon na nakuha na namin itong mamahalin mong wallet at pera, at dahil sawang sawa na kami sa ugali mo, ayaw na namin makipaglaro sa iyo. hindi na tayo magkaibigan. " pinagtawanan ako noong mga kaibigan ni cheska. kaibigan? kala ko ba magkakaibigan kami?

" k-kung pera lang naman pala ang habol niyo sa akin... bibigyan ko kayo buwan buwan ng mas malaki pa sa wallet na iyan kaya please friends pa rin tayo,diba? ibalik mo na 'yan,cheska... " pagmamakaawa ko sa kanya. hindi ko kailangan ng pera ko.

" para saan pa? ayaw na namin sa iyo. " iniwanan nila ako.

"oh,briar. why are you here? bakit ka naglalaro mag-isa dito sa kwarto mo? akala ko ba ay maglalaro pa kayo nila cheska ngayon? "

   lumaki akong may galit. sawa na ako. kaysa madurog ulit ang puso ko dahil sa walang saysay na pagkakaibigan ay mas mabuti na lumaki mag-isa.

   pare-parehas lang sila. doon ko napagtanto na may agwat pa rin sa estado kahit anong gawin ko. dati,noong mga panahon na iyon ay pinagtulakan ko ang pera ko. kung wala ba akong pera, makikipaglaro pa kaya sila sa akin?

   sana wala na lang akong pera. sana isa na lang ako sa mga kaibigan ni cheska na nakangiti ng matamis sa kanyang tabi at pumapalakpak noong kinuha niya iyong wallet.

" i hate your clothes. para kang mayaman kung pumorma pero wala ka namang papel. sige,ipangsulat mo iyang lipstick mo. " puna ko roon sa seatmate kong babae dati.

   pero hindi. ako iyong batang ninakawan ng wallet. at kahit anong gawin ko, hindi ko mapagkakaila na may kaya kami sa buhay. they are so cheap.

then he came and me realize something.

" hay nako, napanaginipan ko na naman iyon. calm down,briar. this time, walang pusong magdudurog. "

late update guys sorry ;-;

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

late update guys sorry ;-;

𝐕𝐄𝐍𝐔𝐒 ꧇ 𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐖𝐎𝐎Where stories live. Discover now