040

142 8 0
                                    

" okay ka lang ba talaga? " pang-ilang tanong na iyan sa akin ni seungwoo

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

" okay ka lang ba talaga? " pang-ilang tanong na iyan sa akin ni seungwoo. para siyang sirang plaka.

" oo naman. " andito kasi kami sa bahay niya. kala niya naman i-ju-judge ko siya! tumango na lamang siya. sana naman makuntento siya sa sagot ko.

    tinulungan din naman ako ni seungwoo sa ibang subjects kung saan nahihirapan ako. malapit na kasi ang exam at ayoko naman bumagsak. advanced kasi iyong lessons nila seungwoo dahil ssg president siya. so inaaral niya agad iyong mga topics para hindi na siya mahirapan.

" teka paano nga ulit iyong formula dito? " ang hirap ng math... parang sumasakit iyong ulo ko. tinuro niya iyon sa akin naintindihan ko naman.

" ganto kasi...isipin mo iyong tatlong pusa kanina tapos kunwari kumain sila ng isa't kalahating kilo na cat food.... " nagpatuloy pa siya sa pagsasalita. at dahil ang ganda ng examples niya ay nagegets ko agad iyong math. i hate math but it's about the things i like kaya nakakamotivate matuto.

    natapos din naman iyong tutoring session namin. nagpahatid ako sa driver namin.

" boyfriend niyo po,mam? " tanong noong driver namin.

" hindi po. " i smiled at him.

    kinabukasan,habang naglalakad,ay nagkukuwentuhan kami ni seungwoo tungkol sa kasikatan niya.

" you are famous now. i mean,sikat ka naman talaga pero i bet na andaming nagkakacrush sa iyo dahil doon sa pagkanta mo. " .....pagkanta mo sa akin. gusto ko sana idugtong kaso wag nalang. he smiled shyly.

" mas sikat ka kaysa sa akin. " i laughed. ako? sikat?

" i am not. ikaw kaya iyon. " saktong napahinto kami dahil sa isang babae na nag-aabot ng isang letter para kay seungwoo. i can't see her face clearly.

" see? " kahit nagseselos ako ay tinaasan ko ng kilay si seungwoo. he's famous.

" ehem,i'm sorry miss pero hindi ko iyan matatanggap. " he said in a polite way.

" huh? ano pong hindi matatanggap? " nag-angat ng tingin iyong babae. buhaghag ang buhok niya.

" what? " this is so confusing. ano ba ang tinutukoy nila at parang magkaiba?

" ate briar! sana po matanggap niyo po ang letter ko ! " inilapit niya pa iyong letter. para sa akin? i hesitated pero kinuha ko rin naman iyon. kumaripas ng takbo iyong babae.

" oh iyan na ang proof na famous ka. " tiningnan niya iyong letter at tumawa.

𝐕𝐄𝐍𝐔𝐒 ꧇ 𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆𝐖𝐎𝐎Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ