CHAPTER ONE

9.7K 156 16
                                    

HINUBAD ni Wayne ang suot niyang dilaw na sando, maging ang mga pinsan niya habang naglalakad sa gitna ng kalye ng Tanangco. Kagagaling lang nila sa Park sa kabilang barangay, nagkayayaan kasi sila na mag-jogging ng umagang iyon. Kasabay niyon, sa di kalayuan ay nagtilian ang isang grupo ng mga kababaihan. Napailing na lang siya. Kung kapatid niya ang mga ito, hinila na niya ito pauwi sa bahay. Hindi nila pinansin ang mga ito, ngumiti at tumango lang sila ng tawagin sila ng mga babae.

Si Olay ang sumita sa mga ito. Palibhasa'y kakilala din nito ang mga iyon.

"Kaloka! Kung makatili ang mga mahaderang ito! Kulang na lang lumabas ang mga buhok sa ilong n'yo!" pabirong tungayaw nito sa mga ito.

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan niya.

"Hala, uwi! Isusumbong ko kayo kay Lola Dadang!" dagdag pa nito. Nang magsiuwian na ang mga babae. Sila naman ang binalingan nito. "Kayo naman, sino ba kasi ang nagbigay ng permiso sa inyo na rumampa dito sa Tanangco na kita ang mga pandesal n'yo! Nagkakasala kaming mga babae!"

"Weh?" pang-aasar pa niya ditto.

"Oo ka na lang, Wayne!" sagot pa nito.

Tumawa lang siya. Pagdating nila sa bahay ni Lolo Badong, naabutan nila doon na may naghihintay na dalawang kotse. Base sa dumi ng dalawang sasakyan, obvious na magpapa-carwash ang mga ito.

"Mabuti at dumating na kayo, magpahinga na kayo at ng masimulan na ninyo ang paglilinis ng dalawang iyan. Babalikan din 'yan ng mga may-ari niyan." Sabi pa ni Lolo Badong.

"Sige po," sagot ni Daryl.

Habang nagpapahinga, naglabas si Inday ng dalawang pitsel ng orange juice. Saka nila pinag-usapan ang tungkol sa Mondejar Cars Incorporated.

"I'm so proud of all of you. Maganda ang feedback ng business world sa MCI." Anang Lolo niya.

"Thank you, Lolo." Sagot naman ni Miguel.

"Alam n'yo naman po na para din sa inyo ang MCI." Dagdag pa ni Marvin.

Ngumiti ang matanda. "Maraming Salamat, mga apo. Pagbutihin pa ninyo ang pagta-trabaho. Ako ay matanda na, walang ibang makikinabang sa MCI kung hindi ang mga magiging anak ninyo." Sabi pa ng matanda.

"Daryl, wala pa ba kayong balak na magpakasal ni Jhanine? Aba, gusto ko pang makita ang aking mga apo sa tuhod." Singit naman ni Lola Dadang.

"Don't worry, Lola. I'm planning to propose to her. Pinagpaplanuhan ko pa po." Sagot nito.

Tinanong din ng abuela niya maging ang iba pang mga pinsan niyang may mga girlfriends na. Pagkatapos, ay natuon sa kanya ang tingin ng lahat. Napahinto siya sa pag-inom ng juice.

"What?" inosenteng tanong niya.

Nangingiti ang mga pinsan niya. "Ikaw, dude? Kailan ka magpapakasal?" nang-aasar na tanong ni Jester.

"Not in a million years, bata pa ako." Mabilis niyang sagot.

"See, Lola. I told you, walang planong mag-asawa si Wayne." Komento naman ni Kevin.

"AbaWayne! Hindi ako papayag na hindi ka mag-aasawa, paano dadami ang lahi ng mga Mondejar kung hindi ka mag-aasawa!" protesta agad ng Lola niya.

"Lola, hindi naman sa hindi ako mag-aasawa. What I mean is, not now. Busy pa po ako sa career ko, sa trabaho. Wala akong panahon sa lovelife." Paliwanag niya.

"Huuu! Ang sabihin mo, takot ka lang magpakasal talaga." Pang-aasar pa ni Wesley dito.

"Tumahimik ka nga! Hindi ako si Karl, no?" sagot niyang may halo din pang-aasar sa isa pang pinsan niya, ngumisi lang siya dito ng tinignan siya nito ng masama.

Car Wash Boys Series 8: Wayne CastilloWhere stories live. Discover now