CHAPTER TWO

4.4K 118 18
                                    

GUSTO nang ibato ni Laiza ang cellphone niya. Sa hindi niya mabilang na pagkakataon, muli niyang-pinindot ang on button, pero umilaw lang ang LCD niyon at nanatiling blangko ang screen. Napabuntong-hininga siya. Hindi puwedeng masira ang cellphone niya, paano siya makakasagot sa mga text messages at tawag ng mga kliyente niya kung sira ito.

"Nakakainis naman eh!" 

"Hoy, anong nangyayari sa'yo diyan?" untag sa kanya ni Lea, sabay kalabit sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Eh kasi itong cellphone ko. Sira na naman ang LCD eh." 

"Sus, ano bang bago? Eh palagi naman nasisira 'yan. Palitan mo na kasi!"

"Wala naman akong pambili ng kapalit eh."

"Bakit ba kasi nagka-ganyan na naman 'yan?" 

"Eh kasi kanina, nung ginawang ring ng basketball nung bata ang ulo ko. Nabitawan ko 'to, ayun, eh di tumilapon siya. Nagkagutay-gutay siya." 

Umingos si Lea. "Sana ako na lang ang pumunta doon, eh di sana ako ang nayakap ni Wayne." 

"Oo nga, para ikaw na rin ang nabato ng bola." 

"Salbahe ka," pabirong sabi nito sa kanya.

"Joke lang 'to naman."

"Pero, hindi nga? Super guwapo ba talaga siya sa malapitan?" 

Pagkatapos niyang manggaling sa loob ng Shop ni Wayne. Inusisa agad siya nito, at ilang beses na rin nitong paulit ulit na tinatanong kung super guwapo si Wayne.

"Oo nga! Grabe na 'to, unli na tayo?" 

"Hay, sana ako na lang talaga ang nag-alok sa kanya ng Insurance. Kahit ilang beses akong mabato ng bola, okay lang, basta makita ko lang siya ng malapitan." 

"Nasayang nga ang sakripisyo ng bumbunan ko no? Hindi naman pala siya kukuha ng Insurance! Hmp! At ang tinamaan ng kamoteng bulok, tinawanan lang ako! Saka na lang daw siya kukuha ng insurance kapag may taning na buhay niya." 

"Aw, ang cute no?" sa halip ay sagot ni Lea.

"Cute? Anong cute doon? Ang cute kamong i-uppercut!" sabi pa niya, sabay sulyap sa loob ng Mr. Big's SportsCenter.

Napadiretso siya ng upo nang sa pagsulyap niyang iyon ay huli niyang nakatingin sa kanya si Wayne. Agad siyang nakaramdam ng pagkailang, saka mabilis na umatake ang malakas na kaba sa dibdib niya. Binaling niya sa iba ang paningin niya, pagkatapos ay pasimple niyang binalik ang tingin dito. Hindi na ito nakatingin sa kanya, bagkus, kausap na nito ang iba pang staff ng shop nito. Napatitig siya ng husto sa guwapong mukha nito ng gumuhit ang magandang ngiti nito. Wala sa loob na napapangalumbaba siya, sabay buntong-hininga. Kung nalalaman lang ni Lea, hindi lang ito super-guwapo, nuknukan ito ng guwapo. His more than just a handsome face. Alam ni Laiza, base sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. Mabuti din ang puso nito. Bigla tuloy siyang na-curious, sino nga kaya si Wayne Castillo sa likod ng kasikatan? Eksaktong nakamasid siya dito, ito naman ang biglang tumingin sa kanya. Gulat na natutop niya ang bibig, saka agad na paiwas na binaling ulit niya sa iba ang paningin niya. "Oh no! Laiza!" impit na tili ni Lea, sabay sunggab sa manggas ng blazer niya.

"Aray naman, oy! Huwag mong hilahin 'yan! Marupok lang ang pagkakatahi ko n'yan kanina. Bitawan mo ang manggas ko!" 

"Ayan na siya!" sa halip ay sabi nito, saka muling hinila siya sa manggas.

"Sino bang 'siya'?" 

"Siya!"

"Sino nga?"

Car Wash Boys Series 8: Wayne CastilloWhere stories live. Discover now