CHAPTER NINE

3.6K 97 3
                                    

"NAKAKALOKA!" sigaw ng masayang si Lea.

Natatawa at napapailing na lang si Laiza dahil sa reaksiyon ng kaibigan niya. Masayang masaya ito nang ibalita niya dito ang naganap na pag-amin sa pagitan nila ni Wayne. Naroon sila ng mga sandaling iyon sa coffee shop malapit sa Building kung saan sila nag-oopisina.

"Shh! Huwag ka naman eskandalosa d'yan!" saway niya dito.

"Eh sorry naman, kasi naman eh! Nakakakilig naman talaga ang sinabi mo. Imagine, kayo na talaga ni Wayne?" hindi makapaniwalang wika nito.

"Kahit naman ako, hindi makapaniwala."

"Sana pala nakipagpustahan ako, eh di sana panalo ako." 

"Hay naku, yung mga kaibigan ko doon sa Tanangco. Nag-pustahan na rin kaya, sigurado may nagse-celebrate na ngayon." 

Kinuha niya ang isang tasa na may laman na kape at humigop siya doon. Muling nagsalita si Lea.

"Imagine, pwedeng isulat sa libro ang story n'yong dalawa. Nagsimula sa pagpanggap na nauwi sa totoong love."

Ngumiti siya. Kahit siya man ay hindi makapaniwala. Parang isang panaginip lang ang lahat sa kanya. Ilang linggo lang ang nakalilipas ng masuong siya sa isang sitwasyon na siyang nagtulak sa kanya upang magpanggap na girlfriend nito. Pero sadyang mahiwaga ang paraan ng pag-ibig. Lumipas ang mga araw, saka niya namalayan na mahal na nila ang isa't isa. Siya na yata ang pinakamasayang babae simula pa kagabi.

"Pero in fairness girl, kung hindi dahil sa pagpapanggap mong girlfriend ni Wayne. Hindi ka makaka-qouta ngayon buwan! Grabe ka ha! Hindi ka man lang namigay ng kliyente. Sinolo mo lahat ng teammates at mga pinsan niya! Pagkatapos may fifty thousand ka pa!" sabi pa nito.

"Hoy, wag ka ngang maingay," saway niya dito. "Baka mamaya may makarinig sa'yo eh. Malintikan ako sa opisina."

Natutop nito ang bibig. "Ay, sorry." 

"Ubusin mo na 'yang iniinom mo, matatapos na coffee break natin," paalala pa niya dito.

"Uy Laiza, pinapatawag ka pala ni Sir. Nandoon sa bagong office niya sa tenth floor, may sasabihin yata sa'yo," sabad ng isang ka-officemate niya na nasa kabilang table lang.

"Okay, ubusin lang namin 'to. Akyat na ako agad." 

Ngunit ilang sandali pa ang lumipas ng mula sa likuran ni Lea ay may tumayong babae at humarap sa kanila. Nagulat siya ng makitang si Lynne iyon. Agad na umahon ang kaba sa dibdib niya, saka mabilis na napaisip. Hindi niya alam kung gaano ito katagal nakaupo doon sa bandang likuran nila. Hindi naman din kasi niya ito napansin kanina pagdating nila. Pero huwag naman sana nitong narinig ang usapan nila ni Lea kanina.

"Hi Laiza," bati pa nito. Nakataas ang kilay nito, ngunit nakapaskil din sa mga labi nito ang kakaibang ngiti.

"Hi," pormal ang mukha na sagot niya.

"It's nice to see you again." 

Tumayo siya. "Ano na naman ang pina-plano mo?" nakakunot noong tanong niya dito.

Pa-inosenteng nagkibit balikat ito. "Nothing. I mean. Sinabi ko lang naman na It's nice to see you again. Does it have to mean anything? Ganoon ba talaga ka sama ang tingin mo sa akin?" 

Aaminin niya. Wala siyang tiwala sa mga sinabi nito. Base sa hilatsa ng ngiti nito, alam niyang may pinaplano ito. Hindi ang tipo nito ang susuko ng basta, lalo na at alam niyang abot hanggang langit ang pagkagusto nito kay Wayne.

Car Wash Boys Series 8: Wayne CastilloWhere stories live. Discover now