CHAPTER TEN

5.9K 161 16
                                    

SA bawat hakbang ni Laiza palayo kay Wayne, katumbas niyon ay tila pagpatay sa kanyang puso. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang buhay ng wala ito sa tabi niya. In a matter of weeks, Wayne conquenred her whole system. He ruled over her heart. Hindi niya alam kung paano nauwi sa tunay na pagmamahalan ang lahat, napakamahiwaga nga kapag ang Diyos ang kumilos sa dalawang taong animo estranghero sa isa't isa. Pagsarado ng pinto ng elevator. Napapikit siya, saka napahagulgol ng iyak. Kahit may mga kasabay siya doon sa loob at pinagtitinginan siya. Wala na siyang pakialam. Basta ang tanging alam niya sa mga sandaling iyon, nais niyang makalayo sa lugar na iyon. At simulan ang buhay niya na wala si Wayne sa kanyang tabi.

Diyos ko, tulungan po Ninyo akong makayanan ang lahat ng ito. Alam ko po na nagkasala ako sa Inyo at sa mga tao sa paligid ko. Nagsinungaling ako at nagpanggap para sa sarili kong kapakanan. Hayaan po Ninyo na ituwid ko ang aking kamalian, tulungan po Ninyo akong tahakin ang landas ng kabutihan na wala pong ibang kasama kundi Ikaw. Nais ko pong simulan ang lahat sa paghingi ng tawad sa Inyo. Patawarin N'yo po ako sa mga kasalanan nagawa ko. Itinataas ko sa Inyo ang pagmamahal ko para kay Wayne. Hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay ng wala siya.

Eksaktong natapos ang kanyang panalangin nang makarating siya sa ground floor ng hotel. Mabilis siyang lumabas doon, at bago siya tuluyang nakalabas. Nakasalubong niya si Lynne. Agad na naningkit ang mga mata niya.

"Ah, so you're leaving? Good. Have a happy life," pangungutya pa nito sa kanya.

Pumikit siya, upang pigilan na umigkas ang palad niya sa mukha nito. Kinuyom niya ang mga palad para makapagtimpi siya.

"Alam mo? Kung gugustuhin ko lang, kanina pa kita sinapak. Pero hindi ko gagawin 'yon. Hindi ko ibababa ang pagkatao ko ng dahil lang sa isang katulad mo. Sa totoo lang, naaawa ako sa'yo." 

Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay nito. "What are you saying?" nanggigigil na tanong nito sa kanya.

"Naaawa ako sa'yo, dahil kailangan mo pang manira ng buhay ng ibang tao para lang mapansin ka ng mga tao sa paligid mo. Ano ba sa tingin mo ang mangyayari? Na mamahalin ka rin ni Wayne kapag nasira mo ako? Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa kanya. Napahiya ka lang dahil tinanggihan ka niya. Dahil kung tunay na pagmamahal nga 'yan, hindi ka magiging makasarili. Dahil ang tunay na pag-ibig ay mapagparaya. Hayaan mong siya ang magpasya kung sino ang makakapagpasaya sa kanya. Hindi ikaw. Hindi ako." 

Hindi na hinintay ni Laiza na makasagot ito. Agad siyang naglakad palayo dito matapos niyang sabihin ang nais niya. Naiwan itong tulala at tila napahiya. Paglabas niya sa lobby ng hotel, agad siyang sumakay sa nag-aabang na taxi.

"Manong, Bulacan po." Sabi niya sa driver.



PINAHID ni Wayne ang luha ng kumalas siya sa pagkakayakap mula sa Mommy niya.

"I'm really sorry, Mom." 

Ngumiti ito, saka pinahid ang mga luha sa pisngi niya ng mga daliri nito.

"You are forgiven, anak. Basta huwag na itong mauulit. And I'm sorry too, kung hindi dahil sa kakapilit ko sa'yo kay Lynne. Hindi mo rin naman maiisipan na gumawa ng ganyan." 

"Mom, what will I do? I want her back. I want Laiza in my life. I really love her." 

"Anak, nasaan ang pagiging Mondejar mo? Use your charm. Use our connections. Do everything to get her back in your arms. Kapag hindi si Laiza ang napangasawa mo, I won't approve anyone else." 

Car Wash Boys Series 8: Wayne CastilloWhere stories live. Discover now