CHAPTER SEVEN

3.9K 121 18
                                    

"I'M really sorry for what Lynne did to you, hija." Sabi ng Mommy ni Wayne sa kanya.

Nginitian niya ito. "Wala po 'yon. Saka hindi po kayo dapat mag-apologize. Wala kayong kasalanan doon." Sagot niya dito.

"Partly, it was my fault kung bakit siya nagkaganoon. It was me who pushed the arrangement between her and my son. I mean, hindi ko naman kasi alam na may nagugustuhan nang iba ito."

Nagkatinginan sila ni Wayne. Muli na naman niyang naramdaman ang guilt. Kung maaari nga lang na iwasan niya si Tita Eve, ginawa na niya. Nakokonsensiya kapag kaharap niya ito, naging mabait ito sa kanya simula pa lang ng unang beses silang nagkakilala nito.

"Mommy, just what if. What if Laiza wasn't here? Will still push Lynne to me?" tanong ni Wayne.

Dahil hawak nito ang kamay niya, lihim niyang pinisil iyon. Pinisil din naman nito ang kamay niya.

"Mabait naman si Lynne, anak. Iyon nga lang, may pagka spoiled brat." Sagot nito. Agad siyang binalingan nito. "I'm sorry hija, sisihin mo ang anak ko. Nagtanong pa kasi."

Napangiti siya. "Okay lang po," sagot niya.

"By the way, masarap kang magluto. Hindi na katakataka kung bakit nahuhumaling sa'yo itong anak ko. And Wayne, anak. Tumataba ka. Ilang linggo pa lang kayong nagsasama nitong si Laiza." Komento ni Tita Eve.

"Thank you po," sagot niya.

"Mom, it's nearly midnight. Babalik ka pa ba sa hotel? Masyado nang delikadong mag-taxi, ihahatid na lang kita." Sabi naman ni Wayne dito.

"Uh no, I'll stay here. Bukas na lang ako babalik sa hotel para kuhanin ko ang gamit ko. Sinabihan ako ng Papa na dito na sa bahay mo matulog, si Lynne na lamang sa hotel."

Nagkatinginan sila ni Wayne. Patay! Dito matutulog? Ibig sabihin, kailangan niyang matulog sa silid nito? Oh no!

"Uh, okay. Uh, Mommy? Ayaw mo bang doon kay Lolo Badong matulog?" suhestiyon pa nito sa Ina.

"Ah hindi, dito na lang ako matutulog sa bahay mo. Teka nga, Wayne? Tinataboy mo ba ako?" pagtataray nito.

"What? Me? Of course not, I love the idea of my Mother sleeping here in my house. You're Welcome to sleep here, right babe?" Biglang kabig nito.

Kinunutan niya ito ng noo. Bakit pati siya dinamay?

"Oo naman po." Sagot naman niya.

"Don't worry, tatakpan ko na lang ng unan ang tenga ko para wala akong marinig mula sa kuwarto n'yo." Sabi pa nito.

Nagulat siya sa sinabi nito bigla ay nag-init ang pisngi niya, alam niyang namumula na siya sa mga sandaling iyon. Nagkatinginan ulit sila nito. "Mommy! You're embarrassing her." protesta ni Wayne.

Tumawa lang ang Ginang. "I'm just kidding." Sabi pa nito.

Nakitawa na lang din siya para matakpan ang hiyang nararamdaman niya.

"Wait lang po, ihahanda ko lang ang kuwarto ninyo." Wika niya.

Pagdating niya sa loob ng inookupahan niyang silid. Mabilis niyang niligpit ang mga gamit niyang naroon at nilipat iyon sa kuwarto ni Wayne, gamit ang secret door na nagkokonekta sa dalawang silid. Mabilis din niyang pinalitan ang bedsheet. Nang maayos na niya ang lahat, saka siya muling lumabas.

"Nakaready na po ang kuwarto n'yo." Sabi pa niya.

"Hay naku hija, ikaw talaga. Nag-abala ka pa ng husto. Baka naman pinalitan mo pa ang kobrekama."

Car Wash Boys Series 8: Wayne CastilloWhere stories live. Discover now