CHAPTER SIX

3.8K 94 4
                                    

Disclaimer:

This chapter is unedited. I basically just scanned it and did not read it properly. Kaya kung may makita man kayong grammatical or typo graphical error. Deadmahin n'yo na lang. At utang ng loob, 'wag kayong tatawa kapag may nakita kayong mali dahil medyo "insulting" 'yon sa side namin. 

Okay lang na i-point out sa maayos na pagkakasabi, pero iyong tatawa pa. Iba 'yon. Pasensiya na, sensitive talaga ko pagdating sa ganyan. Kumbaga, para kaming nanay na nagluwal sa bawat nobelang sinusulat namin. Masakit para sa amin 'yon, kahit minsan para sa inyo, wala lang. 

Anyway, happy reading. Thank you. 



**********************************************************



NAPAHINTO sa paglalakad si Laiza, nang makita niyang naglalakad papunta sa gawi niya ang "boyfriend" niya. Napangiti siya. Ang sarap sambitin niyon, kung sana'y hindi isang pagpapanggap ang lahat. Malakas na sumikdo ang dibdib niya ng muli niyang masilayan ang mga ngiti nito. Pakiramdam ni Laiza ay hindi siya makahinga ng maayos sa sobrang lakas ng kaba niya, idagdag pa ang nakakatunaw na mga tingin nito. Bakit ba nagagawa nitong bulubugin ng walang kaabog-abog ang puso niya?

Effortless.

Habang nagtatagal na nakakasama niya si Wayne. Mas nakukumbinsi siyang mas bagay dito maging modelo, kaysa basketball player at businessman.

"Babe," nakangiting bati nito sa kanya.

Nahigit niya ang hininga ng salubungin siya nito ng halik sa pisngi. Natulala siya at wala sa loob na nahawakan niya ang pisngi na hinalikan nito. Nang lumingon siya sa paligid, halos lahat ng mga tao doon sa lobby ng building na pinapasukan niya ay nakatingin sa kanila.

"Ang sweet naman," kinikilig na sabi ni Lea.

"Let's go?" tanong nito sa kanya.

Wala pa rin sa sarili na tumango na lamang siya. Maging ng hawakan nito ang kamay niya ay hindi na rin siya nakapag-protesta pa. Pagdating sa loob ng kotse, hindi pa rin siya umiimik.

"Laiza, okay ka lang?" nakakunot-noong tanong nito.

Laiza? Anong nangyari sa Babe? Tanong niya dito sa isip niya.

"Hey, may sakit ka ba?"

Napakurap na siya sa pagkakataon na ito. Agad siyang umiling.

"H-ha? Hindi wala. Okay lang ako. Medyo stress lang sa trabaho." Pagdadahilan niya. Ayaw naman kasi niyang aminin dito na ang simpleng halik nito ang siyang nagbibigay ng stress...sa puso niya.

"You looked troubled." Anito.

"B-bakit mo ginawa 'yon?" lakas-loob niyang tanong dito.

"Ang alin?" kunot ang noo na tanong din nito.

"Iyon, 'yung hinalikan mo ako sa harap ng maraming tao." Sagot niya.

"Ah 'yon ba? Sorry ha? Did I make you feel uncomfortable? I just have to do it. It's all for the show."

Nakaramdam bigla ng pagkadismaya si Laiza. It's all for the show. Tama. Iyon lamang iyon. Bakit ba isang bahagi ng puso niya ay gustong umasa na may kahulugan ang paghalik nito sa pisngi niya? Hindi nga ba't bayad siya sa role na ginagampanan niya?

Pilit siyang ngumiti dito. "Ah, okay. Hindi, ayos lang. Nagulat lang naman ako. Sa susunod kasi, abisuhan mo ako na may ganoon kang gagawin." Sabi na lang niya.

Car Wash Boys Series 8: Wayne CastilloWhere stories live. Discover now