CHAPTER FIVE

4K 135 11
                                    

Author's Note:

I have an important announcement at the end of this Chapter. Please make sure to read it. Thank you. Happy Reading! 😁



*****************************************************************



NAALIMPUNGATAN si Laiza ng tumunog ang alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Pupungas-pungas na pinatay niya iyon, saka tila tinatamad pang bumangon. Hindi na niya namalayan kung anong oras na siya dinalaw ng antok, basta nang huling beses siyang tumingin sa orasan, pasado ala-una na ay gising pa siya.

Paano nga ba siyang makakatulog agad? Unang araw pa lang niya doon ay parang roller coaster na nangyayari sa damdamin niya. Mukhang mali yata na pumayag siya na maging kunwaring girlfriend nito. Huminga ng malalim si Laiza, saka nag-inat.

"Gising Marissalen, wala pa naman di ba? Kung ano man 'yan, maagapan mo pa 'yan." Pagkausap pa niya sa sarili, saka niya tinapik-tapik ang magkabilang pisngi niya.

Matapos niyang umusal ng maikling pasasalamat sa Panginoon para sa panibagong araw na iyon. Naghilamos at nag-toothbrush na siya saka nagpalit ng pambahay na damit bago siya bumababa sa kusina.

Pagdating niya sa kusina. Gusto niyang madismaya. Wala pa nga palang laman ang refrigerator na iyon dahil hindi pa sila nakakapag-grocery. Kaya wala siyang iluluto. Napailing siya.

"Makapagkape na nga lang," aniya.

Patapos na siya sa pagtitimpla ng kape ng marinig niya ang mabibigat na yabang pababa ng hagdan.

"Hi, Good Morning." Bati nito sa kanya.

Napangiti siya. "Good Morning," ganting-bati niya dito, sabay harap dito. Ngunit agad siyang natulala ng tumambad sa mga mata niya ang ayos ng bagong gising na si Wayne.

Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis niyang tinalikuran ito. Alam naman niyang pag-aari nito ang bahay na iyon, pero sana naisip nito na may dalagang Filipina itong kasama na hindi sanay makakita ng mga katawan na tinubuan ng pandesal. Hanggang sa TV lang siya nakakakita ng ganoong klaseng katawan. Malay ba niyang kabilang si Wayne sa mga pinagpala ng Diyos.

Napapitlag pa siya ng bigla itong magsalita. Nakalapit na pala ito sa kanya, samakatuwid, nasa tabi na niya ito. Hindi niya napigilan na mapapikit at amuyin ito. Bakit ganoon? Hindi ba ang bagong gising ay amoy panis na laway madalas? Bakit ito ang bango pa rin? Wala kayang balak bumaho ito kahit sandali lang? Pagmulat niya ng mata niya, isang nakakunot noo na Wayne ang bumungad sa kanya. Natigilan siya. Saka siya ngumiti dito ng alanganin. At bakit napakaguwapo lalo nito sa umaga? Kung kailan hindi ito nakaporma at simpleng jogging pants at walang pang-itaas ang suot nito.

"What are you doing?" nagtatakang tanong nito.

"Wala, inaamoy ko lang kung amoy panis na laway ka."

Napahiyaw siya ng bigla nitong kurutin ang pisngi niya.

"Aray ko!"

"Ang cute mo kasi sa umaga eh," natatawang wika nito.

Hinampas niya ang kamay nito. "Tigilan mo nga ang pisngi ko, saka puwede ba? Ang sando, sinusuot. Hindi sinasampay sa balikat. Huwag mong ibilad ang katawan mo sa harap ko." Puna niya dito.

Imbes na sundin ang sinabi niya. Tumawa lang ito, saka sumandal sa kitchen counter at lalong nilapit ang katawan nito sa kanya.

"Bakit? Naiilang ka?" nanunukso pang tanong nito.

Car Wash Boys Series 8: Wayne CastilloWhere stories live. Discover now