8 - Alalay

368 8 1
                                    

Ayos lang naman sakin na bumaba credit score ko basta libre lahat.

Syempre dakilang pulubi ako ngayon, walang kotse at walang allowance, at sya naman ang nag-aya eh sumama na ko. Aayaw pa ba ko eh ,ililibre naman ako sa jollibee.

Tsaka kelangan din naman talaga naming manood ng play para may maisagot kami sa exam. Malapit na ang mid-term at dahil dakilang estudyante si JC at mapagkawang-gawa ay isinama na nya ko sa theater play.

Sa dulo kami umupo, malapit sa exit para kapag nabored na ako ay aayain ko na syang umalis ng hindi nakakaistorbo sa ibang makabayan na feel na feel ang pagiging pinoy sa panunuod ng Florante at Laura, Ibong Adarna, Noli Me Tangere at El Fili.

Akala ko pa naman ay mag-aaya at mabobore si JC sa panood pero tingnan nyo naman ang ngiti ng damuho!

Ok JC, ngayon ka lang ba nakanood nyan? Saan ka ba nag high school? Wala bang Filipino subject sa school nyo dati? Isa ka ba talagang Pilipino? Bakit natutuwa ka sa Playboy na si Don Juan?? Gusto mong gayahin ang pagiging babaero nya??

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ok JC, ngayon ka lang ba nakanood nyan?
Saan ka ba nag high school? Wala bang Filipino subject sa school nyo dati? Isa ka ba talagang Pilipino?
Bakit natutuwa ka sa Playboy na si Don Juan?? Gusto mong gayahin ang pagiging babaero nya??

Subukan mo lang at mararanasan mo ang ganti ni Donya Maria!!!!

Sino ang gusto mong gawing Donya Leonora? Si Katy o si Julie??

Nakaka depressed manood ng play. Bukod sa si JC lang ang nag eenjoy, sinisiringan nya pa ko kapag nagrereklamo ako na boring ang palabas. Ubos ko na ang popcorn at softdrinks. Nakailang balik na rin ako sa CR.

Hmmm, Umutot kaya ako ng malakas para mag-aya na tong umuwi??

The Director's Kwon Heir (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon