18 - MID TERM

327 6 0
                                    

Nag post yung website ng school para sa schedule ng mid-term

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nag post yung website ng school para sa schedule ng mid-term.

Kaya naman si JC Kwon halos samain ako sa ibinigay na reviewer. Balak ba nyang bigyan ako ng sakit ng ulo?

Mahal ko pa ang buhay ko!

Napasulyap ako sa kanya ng bumuntong hininga mula sa sofa.

Nasan kami? Nasa unit nya. Wala kasi akong stock ng pagkain sa unit ko kaya nangangapit condo ako. Mahal siguro ang maintenance kay JC. Lahat branded ang gamit eh. Pati pagkain halata mong mamahalin.

Alam ko dahil noong nasa probinsya ako ng pamilya namin, ganun din naman ang lifestyle ko.

Pero change for the better na ang lola nyo. Para sa ikabubuti ng mundo.

"Dora, nagrereview ka ba?"

"Dori, JC!"

"Whatever."

"Sa tingin mo JC, pag hinakot ko lahat ng pagkain dito sa condo mo, huhulihin kaya ako?"

"Sa palagay mo?"

"Hindi syempre kasi sasabihin ko na bigay mo naman ang mga yun."

"Then why ask me?"

"Eto naman hindi makahalata eh. Read between the lines."

"You are free to get whatever you want pero dito mo kakainin."

"Ano ba naman yan. Bakit di pwedeng dalhin sa unit ko?"

"Kasi hindi naman iyo yan."

"Damot mo. Hindi ka man lang naawa sa tulad ko."

"Bakit ako maaawa sayo?"

"Dahil wala na kong makain?"

"Or dahil tamad ka lang talaga mag grocery? May pera ka naman pero para kang pulubi. Lahat hinihingi mo sakin. Bat di ka na lang dito tumira?"

"Pwede ba yun?"

"Syempre hindi! Ligawan mo muna ako."

"Taena ka! Feeling ka rin eh."

"Tss! Tama na nga yang daldal mo! Mag review ka na!"

Wala man lang talagang awa tong si JC sakin. Napasulyap ako sa center table kung saan nakapatong ang cartolina na ginagawa ko kanina. Hindi pa tapos yun pero binasa na ni JC ang nakalagay.

Excited syang mabasa ang love letter ko.

Tss kunyari pa talaga to.

The Director's Kwon Heir (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon