25 - Street foods

307 5 0
                                    

Ok anong meron???

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ok anong meron???

Bakit nanlibre si Labidabs??? Gusto talaga ata ako nitong magka hepa.

"Kwon JC, bakit nililibre mo ako ngayon?"

"Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto. Papabalot ko nga yung di ko mauubos kay Manong eh." Napatingin ako kay kuya vendor na natawa sa sinabi ko. "Di ba kuya pwede naman yun?"

"Oo naman, Miss"

"Tss, lahat na lang talaga kinakausap mo." Halos bulong na sambit nya.

Sinuko ko nga. Buti na lang hindi sya narinig ni Kuya.

"Balibhasa wala kang friendliness a katawan."

"Friendliness??? May word ba na ganun?"

"Meron, hanapin mo sa webster mamaya."

Sagot ko habang nilalantakan ang pork and chicken bar-b-q.

"Aren't you full already?"

"Hindi, ikaw ayaw mo ba talaga?" Sabay subo ko sa kanya ng kwek kwek.

Aayaw pa sana kung hindi ko sya sinamaan ng tingin.

"Lunukin mo yan!"

"Buti naman at kumakain kayo Miss ng street foods. Kala ko mga rich kid ang nag-aaral dyan sa Kwon Univ."

"Kuya hindi lahat ng nag-aaral dyan ay mayaman. Etong kasama ko, ang tatay nya ay nagtatrabaho sa loob ng Univ. E-trike driver."

"Talaga, Miss?"

Siniko ko si JC na walang imik na nginunguya ang kwek kwek.

"What?"
"Tumango ka na lang."

Automatic naman na tumango sya. Very good talaga si Bebe Boy.
Sige kain lang Kwon JC. Para pag nagkahepa tayo, dalwa naman tayo.

The Director's Kwon Heir (EDITING)Where stories live. Discover now