10 - Twitter

344 9 0
                                    

Natapos ang palabas ng hindi ko namamalayan dahil nakatulog ako mga kapatid.

Kaya naman feeling ko ay nabulag ako pagkagising ko ng tapikin ni JC ang pisngi ko. Dumilat ako pero dahil madilim sa loob ng theater ay kinailangan ko pang manghiram ng flashlight mula kay JC.



Pero dahil nga sa dakilang pakialamera ako, ay hindi lang flashlight ang binuksan ko sa cellphone nya.

Mula sa theater ay pumunta kami sa foodcourt.

Napaka yummy naman talaga ng mga pictures Pareng JC sa cellphone nya.

Scroll down, scroll up.


Share it natin para makagain ulit tayo ng followers.

Hanu mga bakla??? Bet nyo ba? Naalala ko outing to namin last summer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hanu mga bakla??? Bet nyo ba? Naalala ko outing to namin last summer. Sa dami ng pictures nya ay eto talaga yung makalaglag panty garter eh.

Pagkatapos kong mag update ay binigay ko sa kanya yung cellphone.
Mukhang galit si Koya. Siniringan na naman ako.

"JC, bukas ka ng twitter. Tingnan mo yung update ko. "

"Di ka ba nagugutom? Inuna mo pa talaga yang pag-aupdate ng twitter mo."

Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Kelan ba ko sasang-ayunan nito? Lagi na lang badtrip sakin.

Dumating ang order namin at inayos na nya yung pagkain sa mesa. Pero busy ako sa dumaraming followers ko sa twitter.

Tar, instant celebrity ako. Ang daming nagDDM !

Ano mga tsong, lakas ng manok ko di ba? May pa hubad.

Napahinto lang ako sa pag scroll ng agawin nya sakin ang cellphone.

"Kakain ka ba o kakain?"

"O?"

"Baka gusto mong maglakad pauwi,"

"Grabe ka naman sakin! Magkapit-condo lang tayo tas iiwanan mo ko? At take note mister! Ikaw ang nag-aya sakin! Inistorbo mo ako sa paglalaro ng ML. Kung di dahil sayo Mythic na sana ako-"

Di ko natapos ang sasabihin ko ng pasakan nya ko ng burger sa bibig.

Bastos.
Umiling lang sya ng samaan ko ng tingin pero binalik din ang cellphone ko.

Mga walang delikadesa! Nag update ako na walang picture ni JC, balik 200 ang likers ko!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mga walang delikadesa! Nag update ako na walang picture ni JC, balik 200 ang likers ko!

Asan ang hustisya?????

The Director's Kwon Heir (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon