29 - Salvage

320 5 1
                                    

Ang daming satsat ni Pareng JC pero hindi naman nag back-out

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang daming satsat ni Pareng JC pero hindi naman nag back-out. Kung ayaw nya talaga pwede naman na umayaw.

Competitive ka ba talaga or may something else.

And take note, hindi ako natatakot sa mga empty threats nya. Madami akong masamang balak kay Labidabs.

Nasa oval kami ngayon para sa P.E Class, hindi ko kaklase si JC ngayon kaya twitter na lang ang libangan ko. Hindi naman kasi ako sporty.

Feeling lang. Lampayatot ako at hindi marunong mag balance. Kaya nga ako sumubsob kay JC diba?

Buti na nga lang sa kanya, dahil kung kay Steve baka nasuka ako.

No offense ah pero si Steve ang least yummy sa squad nila.

Para sakin baby pa si Steve, isang cute na tuta na masarap lang ihug pero hindi ikiss. Feeling ko kapag pinagnasaan ko si Steve isa akong makasalanang tao.

Isa lang naman ang forgiven sin ko. Para sa akin ah, yun ay pag pagpantasyahan ko si Bebe JC ko.

Abala ako ngayon sa pang i-stalk ng account ni JC, oo nabuksan ko yung account nya dahil isa akong magandang pakialamera.

Wala man lang ganda ang feeds ni JC, napaka boring na tao.

Maraming nagdi-DM sa kanya pero wala man lang sinasagot.

Aba nagfefeeling gwapo si Koya.
Sagutin ko kaya ang mga to???

"Hey, Dorothy."
Napaangat ang tingin ko ng may tumawag sa akin.

Si Drake, si Drake na masipag bumili ng milk tea.

"Bakit? Ayoko ng milk tea."
Natawa sya sa sinabi ko. Baliw ba sya? Anong nakakatawa?

"Bakit andito ka lang sa bench. Ayaw mo bang maglaro ng soccer?"

"Ayoko. Busy ako."

"Saan naman?"

"Sa pagpaplano ng intermission number."
Naka kunot ang noong tinitigan nya ko.

"Intermission?"

Umayos ako ng upo paharap sa kanya.

"Drake, sa palagay mo pwede akong maging artista?"

"Whoa, oo naman. Bakit?"

"Kasi shunga ka! Akala mo naman seryoso ko sa mga sinasabi ko sayo. Tss."

"So ibig sabihin nagjo-joke ka lang doon sa intermission?"

"Mismo. Tss si JC lang talaga ang nakakahalata kapag walang kwenta ang sinasabi ko. "

"You like him?"

"Di ba obvious?"

"For real? Akala ko nanti-trip ka lang."

"Tss bakit ko naman sasabihin sayo."

Tumawa siya. "Ang sungit mo naman. You know what Dorothy, I like you."

"Alam ko. Masyado ka kayang obvious."

"Oh,,,,rejection ba yan?"

"Palagay mo?"

"Nah. I won't take it like that. Iisipin ko na lang na -"

"Na lumayas ka na sa harap ko at may gagawin pa ko."

"Crazy Dori, sige. I'm sorry to disturb you, Madame."

"Sige, wag ka ng babalik."

Tumawa lang sya.

Wala syang kwenta kausap. Isa syang hadlang sa masasamang balak ko sana kanina. Nawalan na tuloy ako ng gana.

Pagbaling ko sa cellphone ko ay may message si JC.

Uy si Labidabs, miss na agad ako.

The Director's Kwon Heir (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon