13 - Rainbow

325 6 0
                                    

Pansin ko lang kay JC panay ang pacute ngayong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pansin ko lang kay JC panay ang pacute ngayong araw.

Papunta na sana ko sa oval dahil ang sabi ng girls ay may laro ang mga BS Math boys sa football field pero dahil nahigit na naman ako ni JC sa gym.

"San ba tayo pupunta, JC?"

"Shuttup!"

"Sus, lakas maka shuttap. JC nakita mo ba yung update ko sa twitter. I ta-tag sana  kita kaso baka mahalata mo na ikaw pinariringan ko."

"Manahimik ka,pwede?"

"JC ang pogi mo sa orange hair mo. Para kang ponkan" at sinabayan ko pa yun ng malakas na halakhak.

"Wag ka na ngang sumama! Nakakainis ka talaga."

"Ay nagtampo. Saan ba kasi tayo pupunta? Itatanan mo na ba ko? Hoy, di pa ko ready ah. Kelangan ko muna magpaayos ng kilay at mag pa rebond para pag hinabol tayo nila Mamshie ko ay ready to tago na ko."

"Sasama ka ba talaga kung itatanan kita?"

"Syempre hindi. Tanga ka ba? Sa yaman ng pamilya mo, edi ako pa ang napagkamalang kriminal. Baka kasuhan pa nila ko ng kidnapping."

"Hindi ganun ang pamilya ko."

"Teka nga bat ba napunta sa tanan kasi ang usapan? Tinatanong kita kung saan tayo pupunta?"

"May practice ako sa gym. Baka gusto mo manood."

Napaisip naman ako dun. Kung panonoorin ko si JC, hindi ko mapapanood ang game nila Drake. Sayang semi-finals na yun eh. Lalaban na sila sa interschool competition pag nanalo sila ngayon.

"Practice game lang naman iyo di ba?"

"And?"

"Semi's ng football team natin ngayon. Dept. namin ang maglalaro kaya manonood ako."

Tinitigan nya ko ng mariin, kaya tinitigan ko rin sya.

"Pareng JC, may muta ba ko?"

"Oo, ang panget mo! Umalis ka na nga"

Sabi nya at lumihis na ng lakad papunta sa science lab. Kala ko ba may practice game sya?

Ang labo kausap ng damuhong yun.

The Director's Kwon Heir (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon